JRB Productions realeses statement about Regine's supposed appearance in Mars Ravelo's Darna

JRB Productions realeses statement about Regine's supposed appearance in Mars Ravelo's Darna

JRB Productions realeses statement about Regine's supposed appearance in Mars Ravelo's Darna
Naglabas ng statement ang JRB productions na nasa likod ng "Mars Ravelo's Darna" tungkol sa kumakalat na isyu ng paglabas sana ni Regine Velasquez sa serye.

Bali-balita nitong mga nagdaang araw ang paghahanap umano ng JRB ng aktres na gumanap noon bilang ang iconic Pinoy superhero na si Darna, bilang pasabog sa nalalapit nitong pagtatapos.

Matatandaang na noong 2023, gumanap bilang "Darna" si Regine sa pelikulang "Captain Barbell" na ginampanan ng actor-turned-politician na si Senator Bong revilla Jr.

Sa programa ng talk show host at kolumnistang si Cristy Fermin, tahasan nitong ibinalita na hindi umano natuloy ang paglabas ng Asia's Songbird sa "Darna" dahil sa pagpapaimportante ng lead actress na si Jane De Leon.

“Ganu’n? E, meron akong nahagip na kuwento na dapat pala, e, si Regine Velasquez ang ay makakasama rito. Tinawagan daw si Regine, okay walang kaarte-arte.  Ang nag-inarte raw ay itong si Jane de Leon,” kwento ni Fermin.


Si Regine Velasquez pala ang huling pasabog ng Darna, walang kaabog-abog na nu’ng sinabihan ng produksyon si Regine, umoo agad, nagbigay ng sched at walang tanong kung magkano ang TF .

“Sa kasamaang palad, hindi natuloy dahil ang hitad na Jane de Leon nagpaimportante, gusto ng hitad body double na lang daw ang iharap kay Regine tapos mag-chroma na lang kesyo maraming dahilan ang babae," pagsasalaysay ni Fermin na galing umano ang mensahe sa kanyang source.

“Kaya hindi pumutok ang Darna dahil hindi minahal ang leading lady. Hindi man lang niya nakuha ang magandang working attitude nina Joshua Garcia at Janella Salvador. Ah, kaya naman pala.”

Sa nilabas na statement ng JRB, Enero 27 ng hapon, nilinaw nitong hindi natuloy si Regine dahil hindi napagtugma ang schedule nila ni Jane de Leon.

"Buong puso kaming nagpapasalamat kay Regine sa malugod niyang pagtanggap sa aming imbitasyon," dagdag pa ni JRB.