- Viral at usap-usapan ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome dahil sa kaniyang post
- Ibinahagi kasi ni Donnalyn na dapat ay maging grateful ang lahat ngayong balik na sa trabaho
- Hindi naman ito ikinatuwa ng marami dahil sa umano'y pagiging privelage niya
Viral at usap-usapan ngayon ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome dahil sa pampa goodvibes sanang post niya ngunit tila hindi raw napapanahon.
Sa kaniyang post ay sinabi kasi nitong dapat ay maging grateful at happy ang lahat ngayong balik trabaho na matapos ang mahabang holiday dahil at least ay magkakapera na ang marami.
"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun.
"Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!," Ani nito.
May mangilan-ngilan na sinang-ayunan ang sinabing ito ni Donnalyn ngunit marami ang nakapuna na bakit tinatawag niyang ungrateful ang mga workers partikular na ang mga minimum wage earner kung hindi sila masaya sa pagbabalik ng trabaho.
"Litaw na litaw dito kung gaano ka kamangmang sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Ito ang mahirap sa mga taong detached sa reyalidad," kumento ng isang nag comment.
"SIS IKAW BA NAMAN WELL-COMPENSATED AT MILYON KINIKITA SYEMPRE FEELING LUCKY KA TALAGA!," hirit naman ng isa pa.
"Malaki naman kasi sahod mo kaya gusto mo talaga lagi kang may work kahit sino naman siguro," ani naman ng isa pa.
May isa pa na ipinamukha sa social media influencer na ang pagiging unhappy ay hindi naman pagiging ungrateful sa pagkakaroon ng trabaho.
"Being sad does not imply being ungrateful. Some have to go back abroad to work, and some only get to see their family on weekends or holidays. People can be sad AND grateful at the same time," sabi ng isa pa.
Anong masasabi mo rito?