Donnalyn may depensa sa mga bashers: "hindi lang talaga ako pala-share ng hirap..."

Donnalyn may depensa sa mga bashers: "hindi lang talaga ako pala-share ng hirap..."

Donnalyn may depensa sa mga bashers: "hindi lang talaga ako pala-share ng hirap..."


 - Hindi maganda ang bungad ng 2023 para sa social media influencer na si Donnalyn Bartolome dahil sa "toxic positivity" nito sa kanyang post

- Marami ang hindi natuwa kabilang na ang ilan pang mga personalidad dahil iniinvalidate umano ni Donnalyn ang tunay na buhay ng manggagawa

- Naglabas naman ito ng pahayag upang depensahan ang sarili at sinabing wala siyang intensyong makasakit ng damdamin ng iba.

Nagsalita na ang social media personality na si Donnalyn Bartolome upang dumipensa nang mag-viral dahil sa "toxic" post nito sa mga malulungkot sa pagbabalik sa trabaho.

Ikinagalit kasi ng netizens ang pagiging insensitive niya dahil wala umano sa realidad ang kanyang post lalo na't hindi naman daw siya naghihirap gaya ng ibang manggagawa. 

Sa init ng mga mata ng netizens sa kanya ay naglabas ito ng pahayag hinggil sa kung ano nga ba talaga ang gusto niyang iparating sa kanyang viral post. Pinasalamatan din niya ang ibang netizens na hindi agad minasama ang kanyang post.

Panimula niya, “Hey, thanks to everyone who didn’t take my post negatively. I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience.. hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo. Mali pala yun.. okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo."

Tila narealize raw niyang dapat hindi lang puro achievements ang pinopost online kundi pati na rin ang hirap na nararanasan. Inisa-isa naman niya ang paghihirap na naranasan niya noong bata pa siya.

“Sa lahat ng nasaktan, gusto ko malaman mo pinagdaanan ko din mga sinasabi niyo God knows. Nagcollect ako ng pictures. Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition.. sa bahay, bills.

“Sa di tatapos ng post, I admitted mali ang choice of words ko. And I’m only sharing these experiences in hopes to show sincerity of me admitting that error and not just to save face, kasi like all of you may pinagdaanan din ako so last thing I’d want to do is hurt any of you. Madali magsorry pero how do you know the person really meant no harm? Pag nakilala mo siyang konti. That is the purpose of this post,” paglilinaw ni Donnalyn.