Bailey May, lilisanin na ang grupong Now United para mag-solo

Bailey May, lilisanin na ang grupong Now United para mag-solo

Bailey May, lilisanin na ang grupong Now United para mag-solo
Inanunsiyo na ni Bailey May ang kanyang napipintong pamamaalam sa global pop group na Now United para maging isang solo artist.

Ang kantang "Odo," na kaka-release lamang ng music video noong nakaraang linggo, ang umano'y huling awitin na ni Bailey kasama ang Now United.

"This is like my last goodbye. Kasi gusto ko mag-pursue ng solo, limang taon ako na kasama sila. So pwede na ako, I want to go solo," ani nito sa morning talkshow na "Magandang Buhay."

"I feel like, hindi ba, different points of your life, you have dreams and aspirations and when you reached them, you have new ones. I am at that point na. I have new dreams na gusto ko abutin." 

Sa video na uploaded sa official YouTube page ng Now United nitong January 14, kinumpirma ni Bailey na ipagpapatuloy niya ang kanyang karera bilang isang solo artist. Ibinunyag din nitong naghahanap na ng bagong miyembro ang Now United mula sa Pilipinas.

Nagsimula si Bailey sa kanyang showbiz career nang mapabilang siya sa housemates ng "Pinoy Big Brother: 737" noong 2015.

Noong 2017 ay naging bahagi siya ng Now United, na binuo ni Simon Fuller na lumikha ng "American Idol" at namamahala sa karera ng Spice Girls.

Sa kasalukuyan ay isa si Bailey sa Filipino mentor ng reality talent search ng ABS-CBN na "Dream Maker."

Sa episode ng "Magandang Buhay" ay ipinakilala rin ni Bailey ang kanyang girlfriend na si Alice Lines na isang British make-up artist, na nakilala umano niya sa pamamagitan ng kanyang kapatid.

"He is very kind. That's my favorite that he is very kind. He used to buy me flowers all the time and I really like that," paglalarawan ni Alice kay Bailey sa programa.