- Naging katatawanan ang hirit kamakailan patungkol sa MMFF Awardings
- Patungkol ito sa pagpo proklama ni Mariel Rodriguez kay Toni Gonzaga bilang Best Actress
- Maging ang pagiging Most Powerful Celebrity ni Toni Gonzaga ay nadawit
Naging tampulan ng katatawanan ng netizens ang kakatapos pa lamang na MMFF Awardings dahil na rin sa claim na ginawa ni Mariel Rodriguez.
Kamakailan kasi ay proud na kini claim ni Mariel na pang Best Actress si Toni Gonzaga dahil sa kaniyang movie entry na 'My Teacher'.
"Best Actor and Best Actress this MMFF!!!," IG story kamakailan ni Mariel kaakibat ang litrato nina Toni Gonzaga at Joey De Leon para sa 'My Teacher'.
Ngunit bigong manalo ng dalawa sa naturang category, sina Ian Veneracion (para sa Nanahimik ang Gabi) at Nadine Lustre (para sa Deleter) ang tinanghal na Best Actor at Best Actress.
Dahil nga rito ay ang netizens na ang nagbigay ng karangalan bilang Best Actress kay Toni Gonzaga, nanalo umano ito.. kaya lamang ibang MMFF, Miss Mariel's Film Festival.
Congrats Toni Gonzaga for winning the MMFF* Best Actress award
— Nicol (@nikowl) December 27, 2022
*Miss Mariel’s Film Festival pic.twitter.com/ciOe9F7JXd
Maging ang naging pahayag ni Paul Soriano para sa asawa na pagiging Most Powerful Celebrity ay hindi rin nakaligtas sa netizens.
Hirit ng netizens na kung Most Powerful Celebrity si Toni ay bakit flop ang MMFF entry nito na My Teacher?, Ilang sinehan na kasi ang maagang nag pull out sa pelikula at hindi rin nito nagawang makapasok sa Top 4 Gross Standing ng kasalukuyang MMFF 2022.