- Nahaharap umano sa isang matinding reklamo ang Ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine
- Inirereklamo siya ng kaniyang empleyado na hindi umano naging maganda ang trato sa kaniya
- Delayed ang Sahod, No Rest day ang ilan sa mga ini rereklamo nito
Sa latest Showbiz update ng Showbiz Manager at YouTuber na si Ogie Diaz ay ibinahagi nito ang isang kwento patungkol sa Ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.
Ibinahagi ni Ogie ang naging conversation nila ng kasambahay ni Mommy Divine, kung saan inilabas nito ang lahat ng reklamo niya laban kay Divine.
Marami umanong nilalabag na labor code ang Ina ni Sarah sa kanila, kabilang na ang delayed na pasahod at hindi pagbibigay ng rest day sa kanila.
"Violations sa labor code, hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit na nagtrabaho ng araw na iyon. Walang overtime pay. Walang double pay. Delayed ang sahod, no restdays kahit na magpa-approve ka hindi niya papansinin.
"Hindi nagbabayad ng government mandated benefit. Hino-hold ang tao pag gusto nang umalis, ayaw payagan agad. Ginigising ang tao kahit na oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya.
"Pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok at paulit-ilit at ulo ng manok,hindi pagpansin kahit na may sakit ang tao. Kagaya nito, hindi na naman siya nagpasahod kahapon," ang sinasabing mga kamalian umano ni Mommy Divine na nai-text ng empleyado kay Mama Loi.
"Meron pa silang screenshot para patunayan sa amin na talagang meron silang conversation yung nakikiusap na need niyang makipag-appointment bago makapasok at makuha ang mga gamit niya at isang regulasyon ng kompanya na bawal kunin ng ibang staff ang salary ng nagmamay-ari ng sahod," dagdag kwento pa ni Ogie Diaz.
Payo naman ni Ogie na dapat ay harapin ni Divine ang mga akusasyong ito ng mga empleyado niya sa kaniya.
"Mas maganda, harapin ito ni Mommy Divine. Kasi siyempre mahirap na po ito lalo sa panahon ngayon. Mommy Divine Geronimo, baka ipa-Tulfo ho kayo ng inyong empleyado na nagrereklamo sa inyo," ani Ogie para kay Mommy Divine.
"Mas maganda na ayusin na po natin ito, para naman sa ganon makapamuhay ang lahat ng maayos," dagdag pa nito.
Panoorin ang kabuuan rito: