- Viral at usap-usapan muli ang lumang video ni Dina Bonnevie patungkol sa isang young star
- Sa naturang video ay ikinu-kwento niya ang patungkol sa kabastusan umano ng isang young star
- Kasunod ito ng viral interview naman ni Alex Gonzaga na nagsusumbong sa umano'y paninigaw sa kaniya ng isang matandang artista
Viral at usap-usapan muli ang isang lumang interview video kay Dina Bonnevie patungkol sa pagkukwento niya sa isang young star sa pagiging bastos at late umano nito sa mga tapings.
"Pagdating na pagdating niya, ang sabi niya sa akin, ‘Where are you going, Tita?’," pagsisimulang kwento ni Dina na dumating umanong late ang young star sa kanilang taping.
"Sabi ko, ‘We’re going to leave. What did you think, we were born to wait for you? Excuse me, who do you think you are?’
“Sabi ko, ‘Are you somebody? Excuse me. You haven’t made a mark. Have you proven yourself at least in acting? You can’t even cry.’
"Isusumbong daw niya ako sa nanay niya.
“Sabi ko, ‘Sige, papuntahin mo dito. Magsu-showdown kami dito ng nanay mo.’
“Ayun, sa kagaganyan niya, naungusan pa siya ng isang supporting actress sa soap na ‘yon!"
Samantala lumitaw ang naturang video matapos ang pag viral naman ng interview video ni Alex Gonzaga kung saan siya naman ang nag-kuwento sa umano'y pagtatalak sa kaniya ng isang matandang artista.I’m Team Dina. All the way. pic.twitter.com/bGtQ3g8PM5
— nikki (@macronikki) December 9, 2022
“So there was a time, when I was in my 20s... early 20, mag-21 ako, I was so traumatized, pinagsisigawan ako ng isang artista na matanda… pinagsisigawan niya talaga ako from head to foot, everything, kasi akala niya galing ako sa bahay, late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kaniya.
“And then after how many years, she’s painting me as the bad guy na deserve ko. No’ng pinapanood ko, I think hindi ako ‘yan, pero parang ‘yung kuwento ko ‘yung sinasabi niya. Pero mali yung kuwento niya. ‘Di ba, may mga gano’n? May mga tao na who did you wrong, or who traumatized you, and then you won’t even talk about it, parang you would just let it be. And then, ‘pag sila pa ang nagkuwento, sila pa ‘yung mabait, ikaw pa ‘yung masama na parang ibang-iba na ‘yung kuwento.
“So ano’ng kailangan kong gawin pagka-ganon? And then ang daming uma-agree? Wala. Kasi alam ko naman yung katotohanan eh.”
Hindi man nila pinangalanan ang isa't-isa pero hinuha na nga ng netizens na ang isa't-isa ang tinutukoy nila sa kani-kanilang kwento, ikaw sa tingin mo ba sila nga ang tinutukoy nila?