Vice Ganda, nanlimos sa mga kapitbahay para sa adobo: "nakumpleto na namin..."

Vice Ganda, nanlimos sa mga kapitbahay para sa adobo: "nakumpleto na namin..."

Vice Ganda, nanlimos sa mga kapitbahay para sa adobo: "nakumpleto na namin..."


 - Tinry ng unkabogable superstar na si Vice Ganda na manghingi ng mga ingredients para sa lulutuing adobo sa kanyang mga kapitbahay

- Gusto niya raw kasing makita kung generous pa rin ang mga ito gaya ng mga kapitbahay niya sa dati nilang tinitirahan

- Matapos nilang manghingi ng mga ingredients ay masaya ang dalawa dahil nakumpleto nila ang panghihingi sa luluting ulam

Nagbahay-bahay ang Kapamilya star na si Vice Ganda kasama si Lassy Marquez upang manghingi ng mga kakailanganig ingredients sa lulutuin nilang ulam.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube ay makikitang inikot nila ang subdivision upang makita kung 'generous' ang mga ito gaya nalang umano ng mga kapitbahay niya sa dati nilang tahanan.

Ani Vice, dati raw sa Tambunting, Maynila ay talagang nagbibigayan ang mga magkakapitbahay.

“Naalala ko dati noong bata ako, kunyari magluluto ‘yung nanay ko tapos kulang ‘yung sangkap, sasabihin niya sa akin, ‘Kumatok ka nga kay Aling Miding, manghiram ka nga ng ano’.

“Kahit hindi naman maibabalik, ang salita hiram. ‘Manghiram ka nga ng mantika. Manghiram ka nga ng toyo’. Parang kaswal na kaswal doon sa lugar namin ‘yung nanghihingian… tapos madali lang magpahiram at magbigay ng mga sangkap… parang ang generous ng lahat,” pagkukwento nito.

Kaya naman naisip niyang libutin ang subdivision upang malaman kung parehas generous ang dati niyang tinitirhan sa ngayon.

“Mababait ‘yung mga tao rito. Noong dumating nga ako dito, noong bagong lipat nga ako nagpadala sila ng mga cake… mababait rin talaga sila pero wala pa ako noong relationship with them unlike sa Tambunting,” chika niya.

“Feeling ko ‘yung mga tao dito, mayroon silang mga stocks. Tignan natin kapag kumatok tayo, bibigyan nila tayo,” dagdag pa ni Vice.

Nang matapos ang vlog ay napatunayan nina Vice at Lassy na mababait pa rin at mapagbigay ang mga taong nakapaligid sa bahay ng komedyante.

“So ayun guys, nakumpleto na namin ang mga ingredients sa lulutuin naming special chicken-pork adobo with egg. Napakabait ng aming mga neighbors, walang sabi-sabi, walang pag-aalinlangan, agad-agad [namigay]

“Nakakatuwa lang na ma-experience ulit ‘yung sense of community kasi ‘yun ang talagang kinalakihan ko… and ang laki ng naging bahagi nun sa pagkatao ko,” pagbabahagi nito.