- Nanindigan ang aktor na si Paolo Gumabao na hindi na niya uulitin ang nagawa niyang pagsayaw sa TikTok na dahilan upang makasuhan siya
- Sumayaw daw kasi siya sa nasabing app habang suot-suot SAF uniform at insignia habang nasa shooting ng isang pelikula
- Lesson learned naman para kay Paolo ang nangyari dahil wala naman siyang alam na nalabag niya ang batas
Kasama ang aktor na si Paolo Gumabao sa pelikulang "Mamasapano, Now It Can Be Told", ang isa sa mga movie entries ngayong 2022 Metro Manila Film Festival o MMFF.
Ang kanyang papel sa pelikula ay may kaugnayan sa pagsusuot ng uniporme ng Philippine National Police o PNP dahil siya ang gaganap bilang si Supt. Raymond Train sa pelikula, ang commander ng PNP.
Ito naman ang isa sa dahilan kung bakit umano siya nakasuhan dahil may nagawa siya sa social media na labag sa batas.
Sumayaw kasi siya sa TikTok habang suot-suot ang SAF uniform at insignia habang nasa shooting ng 'Mamasapano'. ibinahagi niya ang kanyang pahayag ukol rito sa nangyaring presscon kamakailan.
“We were all surprised because we have permission to use them. Ang reklamo sa akin, nagsayaw daw ako sa TikTok wearing the uniform,” paliwanag niya.
“Ako naman, no offense meant at all, but it’s a lesson learned for me at di na mauulit. Buti na lang the case didn’t prosper,” dagdag pa nito.
Ang 'Mamasapano' ang opisyal na entry ng Borracho Film Production para sa MMFF ngayong taon.