Tumanggi ang Court of Appeals sa apela ng negosyanteng si Cedric Lee na ibasura ang kasong serious illegal detention for ransom na isinampa laban sa kanya at anim na iba pa ng TV host/actor na si Vhong Navarro.
Sa 12-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Angelene Mary Quimpo-Sale, pinagtibay ng 17th Division ng CA ang 2019 order na inilabas ng Taguig City Regional Trial Court (RTC), na tumatanggi sa mosyon ni Cedric na ibasura ang kaso.
Dumulog si Cedric sa CA dahil labis na inabuso umano ng Taguig RTC ang pagpapasya nito nang magdesisyon ito laban sa kanyang mosyon.
Kabilang si Denice sa grupo ni Cedric na nakasuhan ng serious illegal detention.Ayon sa naging salaysay ng aktor, binugbog at nagbanta na papatayin siya ng grupo at humingi ng pera kapalit ng kanyang paglaya.
Isang buwan nang nakakulong si Vhong para sa isang nonbailable na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Sumuko si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City matapos maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court Branch 116 na may piyansang P36,000 para sa kasong acts of lasciviousness.
Hapon ng parehong araw, naglabas ng non-bailable warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 laban kay Navarro dahil sa panggagahasa. Siya ay dinala ng NBI at inilipat sa NBI Detention Center sa Maynila kinabukasan.
Muling lumantad si Cedric para tumestigo sa naganap na bail hearing ng nakadetineng aktor matapos nitong maghain ng petition for bail sa Taguig Regional Trial Court Branch 69.