Ibinahagi ni Kim Chiu kung paano niya nababalanse ang ang kanyang oras ngayong kabi-kabila ang kanyang proyekto sa ABS-CBN bukod pa sa kanyang endorsements.
Bukod kasi sa napapanood bilang host sa noontime show na 'It's Showtime' tuwing Lunes hanggang Sabado, mapanood na rin si Kim bilang main host ng Dream Maker simula November 19-20. Inaabangan na rin ang kanyang pagbabalik teleserye sa 'Linlang' na iere simula sa susunod na taon.
Sa naganap na media conference para sa talent reality show na Dream Maker, hiningan ang aktres ng tips kung paano nagiging epektibo ang kanyang time management.
"Actually magaling ako diyan.Kapag naman gusto mo yung ginagawa mo hindi naman siya mukhang nakakapagod eh. Basta alam mo lang balansehin sa sarili mo kung ano yung priorities mo," wika ng aktres.
"Ito yung priority ko today, and then parang 'yun yung sinusulat ko sa notes ko kung ano yung mga una kong gagawin. Nagagawa ko naman lahat. Personal, work, workout, love life, at syempre nasasama-sama naman silang lahat."
Sobra din umano ang pagpapasalamat ng aktres ngayon sa ABS-CBN sa mga proyektong ibinibigay sa kanya.Ikinwento rin ni Kim ang kanyang naging pangako para sa network.
"And pinapangako ko sa kanila, sinasabi ko rin kay Direk Lauren na hindi ko po sasayangin yung oppurtunity na binigay niyo po. Hindi po ako mapapagod."
Ang “Dream Maker” ay isang partnership project sa pagitan ng ABS-CBN, MLD Entertainment ng South Korea at Kamp Korea. Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.