Binibining Pilipinas Organization, niligwak na ang Miss Grand International franchise

Binibining Pilipinas Organization, niligwak na ang Miss Grand International franchise

Binibining Pilipinas Organization, niligwak na ang Miss Grand International franchise
Nagbigay na ng pahayag ang Binibining Pilipinas organization tungkol sa pagpapadala ng kalahok sa taunang Miss Grand International pageant na hawak ng bansang Thailand.

Opisyal nang binitawan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang Miss Grand International pageant at hindi na muling irerenew ang prangkisa para rito.

Si Roberta Tamondong ang huling delegado na naipadala ng BPCI sa nasabing pageant na nagdiwang ng ika-10 anibersaryo noong nakaraang buwan na ginanap sa Indonesia. 

Nabigong makapasok si Roberta sa Top 10, ngunit kalaunan ay idineklara siyang isa sa mga fifth runner-up pagkatapos ng pagbibitiw ng kinatawan ng Mauritius.

Milyon-milyong followers mula sa iba't ibang panig ng mundo ang nalagas sa MGI official Instagram minuto bago pa man ideklara ang resulta ng Miss Grand internationalInternational 2022.

Hindi pa nakakasungkit ng korona ang Pilipinas sa Miss Grand International. Noong 2016 ay naiuwi ni Nicole Cordoves ang first runner-up title at ni Samantha Bernardo noong 2020/2021.

Sa ngayon ay tatlong pageant franchise na lamang ang natitirang hawak ng BPCI kabilang ang Miss International, Miss Intercontinental, at Miss Globe.

Ikinatuwa naman ng maraming Pinoy beauty pageant fans ang naging pasya ng BPCI na umano'y "best decision ever." 

"We will be forever grateful for their dedication, passion and love for Bb. Pilipinas and our Queens," mensahe ng pasasalamat naman ng BPCI sa mga tagahanga nito.