Toni Fowler, ikinuwento kung paano 'nabulok' ang kanyang balakang sa pagkaka-inject ng motor oil

Toni Fowler, ikinuwento kung paano 'nabulok' ang kanyang balakang sa pagkaka-inject ng motor oil

Toni Fowler, ikinuwento kung paano 'nabulok' ang kanyang balakang sa pagkaka-inject ng motor oil

 

- May 'horror story' ang internet personality na si Toni Fowler sa pagpapa-enhance niya dati ng kanyang balakang

- Aniya, motor oil daw ang na-inject sa kanyang balakang kaya naman mas lalo umano siyang nawalan ng pw*t

- Mura lang daw kasi ang bayad niya sa doktor na nakilala niya dahil sa kanyang kaibigang sinuggest sa kanya

May 'di kaaya-ayang karanasan noon ang internet celebrity at vlogger na si Toni Fowler sa kanyang cosmetic surgery para sa kanyang butt enhancement.

Naikwento niya ito sa panayam sa kanya ng Kapamilya news anchor na si Karen Davila kamakailan para sa YouTube vlog ng dalawa.

Alam naman ng lahat na talagang pinagkakagastusan ni Toni Fowler ang kanyang katawan dahil hindi naman niya ito tinatago at ibinabahagi naman niya ito sa publiko.

Pag-amin ni Toni kay Karen, tila 'nabulok' ang parte ng katawan niyang ipina-enhance sa pekeng doktor na nakilala niya dahil sa kanyang kaibigan.

Ayon kasi sa kanyang kwento, may kakilala raw kasi ang isa nitong kaibigan na 'murang doktor' kaya naman doon na siya nagpakonsulta at nagpa-inject. Hindi naman daw niya akalaing motor oil pala ang ilalagay ng pekeng doktor.

“Kaya po ako nagpalaki ng puwet kasi ay limang piso kada talbog pag nagtu-twerk,” pagbibiro ni Toni.

Pagseseryoso naman nito, “Nagkaroon po talaga ako ng accident sa balakang."

“To make the long story short, ano pala, motor oil [ang na-inject]. Motor oil ang nalagay sa akin. So nangitim," kwento niya.

Pagkatapos daw niyang mapansing nangingitim na ang kanyang balakang, nagpakonsulta na ulit siya sa doktor.

“Sabi niya, ‘Namamatay ang balat mo. Nabubulok ka nang buhay’… Kinaskas yung nilagay sa akin. Tinanggal tapos lalo akong nawalan ng puw*t tsaka balakang. Tinanggal yung infected part, pati sa puw*t. So mas lumiit,” aniya.

Hindi naman na daw niya mahagilap ang pekeng doktor na nag-inject ng motor oil sa kanyang katawan. 

Pagkatapos nga nito ay nagpunta na siya sa isang legit na cosmetic surgeon para sa butt augmentation. Gusto raw niyang lagyan ito ng silicone ngunit nirekomenda sa kanyang magpa-brazilian butt lift nalang.

“Pinataba niya ako ng three months. ‘Tapos kinuha niya ang fats ko dito,” sabay turo sa kanyang mga braso.

“And then 360 [degrees], pati sa bra line. Nilagay niya ang fats ko sa puwet at balakang ko,” pagpapatuloy pa niya.