Ogie Diaz, may pasaring sa pulitikong tila walang ganap ngayong may kalamidad

Ogie Diaz, may pasaring sa pulitikong tila walang ganap ngayong may kalamidad

Ogie Diaz, may pasaring sa pulitikong tila walang ganap ngayong may kalamidad
- Sa kaniyang facebook account ay naglabas ng hinaing ang showbiz manager na si Ogie Diaz

- Dito ay tila pinasaringan niya ang mga pulitikong tikom sa nagaganap na kalamidad

- Nalulungkot siya sa tila ba kakulangan ng ginagawa ng mga ito ngayong kailangang kailangan sila ng marami

Naglabas ng kaniyang himutok ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa mga pulitikong tila ba hindi maramdaman ngayong may kalamidad.

Aniya na ngayon umano masusubukan ang mga kandidatong nagwagi noong halalan kung magpaparamdam o hindi sa nararamdamang hirap ngayon ng pinoy dahil sa kalamidad na dulot ng bagyong Paeng.

"Sa oras talaga ng kalamidad n'yo masusubukan ang mga kandidatong sinuportahan n'yo at nanalo -- kung magpaparamdam o deadma sila sa inyong nararamdamang pighati dulot ng bagyong Paeng.

Alam ko, maaaring sa ibang pagkakataon, andu'n ang mga pulitiko, pero sa oras na kailangang-kailangan n'yo sila, du'n n'yo sila gusto n'yong maging karamay, di ba?," Ani Ogie.

"Appreciated naman natin yung " my thoughts and prayers are for you" ng mga kandidato thru their "press statement," pero alam n'yo yon? Iba pa din kung ramdam n'yo sila.  

Yun bang kahit wala sila on the ground physically, pero nagpahatid ng tulong, ayuda o suporta. Minamahal natin ang mga ganitong klaseng public servant. Minamarkahan natin sila kung paanong markado rin sila pag "sinayang" nila ang boto natin.

Yes, hindi ngayon ang panahon para haluan ng pulitika, pero ang mga pulitiko ang may budget, ang may kapasidad na makatulong.
Pero sad to say, andaming absent sa panahon ng kalamidad," dugtong nito.

Ibinida pa nito na kung ngayon umano ang kampanya ay malamang na maraming gimik ang ilan upang agarang makatulong, ngunit hindi naman na umano panahon ng halalan kaya tila ba tikom ang mga ito sa nangyayari.

"Kung panahon ng kampanya lang ngayon, panigurado -- lahat yan, may pa-relief goods, may pa-yero, may pa-ayuda, may malasakit, may pagyakap, may pagluha. Sila mismo, pupuntahan ka pa sa bahay, kukumustahin, makikidalamhati, magmamando sa mga kasama na asikasuhin kayo.

Ang problema, tapos na po ang eleksyon. Iilan na lang ang consistent na bigyan ng kahulugan ang salitang "public service."
Yung iba, they just wanted the position, but not the job."

"Hindi pa rin nadadala ang karamihan sa mga kababayan natin. Mahawakan lang, makindatan lang ng kandidato, all out support na sila. Nagiging fanatic pa ang iba. At ang masaklap, ang ibang mga supporters ang pinakanaapektuhan ng dumarating na kalamidad.

Nakakalungkot kung iisipin.   

Kaya at this point, baka gusto n'yong manawagan sa mga inihalal n'yong kandidato na nanalo naman, para ipaalala sa kanila ang kanilang mandato.

At gusto n'yo ring pasalamatan ang mga kandidatong mula kampanya, hanggang ngayon, lagi n'yong nararamdamang hindi pala kayo nagkamali ng pagluklok sa kanila sa pwesto."

Ikaw anong masasabi mo?