- Viral at usap-usapan ngayon ang kwento ng isang cashier ukol sa nangyari sa kaniyang trabaho
- Nag short umano ang cashier ng mahigit sa 5k na siyang ipinananayad agad agad sa kaniya
- Hindi idinaan sa tamang proseso at imbestigasyon ang pangyayari at pinagmulta ang cashier sa kabila ng pagtanggi nitong nagnakaw siya
Viral at usap-usapan ngayon ang facebook post ni Erika Joy Buendicho kung saan ibinahagi niya ang kaniyang karanasan bilang isang cashier sa isang Department Store.
Sa kaniyang pagbabahagi ay ibinunyag nitong bigla na lamang umano siyang pinaratangan ng mga supervisor at manager niya ng pagnanakaw matapos na mag short ang kaniyang kaha, pinilit at agad agad na pinaamin siya at pinagawan ng statement na taliwas naman umano sa totoong nangyari.
Narito ang kabuuan ng kaniyang salaysay:
"First job ko as cashier sa Landmark makati sobrang lala ng nangyare sakin. 3rd day ko sa trabaho kahapon ng pagkaha sa landmark. 11-8pm schedule ko, nung mga alas dos ng hapon tinawag ako nung supervisor ko at kinausap ako. Hinold na nila ako nung time na to di na nila ako pinagkaha.
"Sabi sakinng supervisor" Buendicho anong nangyare kahapon?", Sabi ko bakit po ma'am? Sabi nya "bakit nagshort ka ng 4993.71 pesos?" Nagulat ako. Sabi ko Ano po ma'am? Ang laki naman po nyan. Sabi nya "kaya nga tinatanong kita anong nangyare. "Tapos ni recall ko yung mga nangyare. Sabi ko maayos naman yung pagkaha ko ma'am, pati checker ko chinecheck nya lahat ng transaction ko sa customer. Kinausap nadin nila yung checker ko sabi nya maayos naman ako magkaha. At pinaliwanag din nya yung nangyare kahapon.
"Tapos Antayin daw namin yung pag audit sa accounting. Tama naman lahat ng transaction ko walang mali, so ibig sabihin daw nasakin daw yung mali ako daw makakasagot nun umamin na daw ako. Nasan daw yung limang libong nawawala. Paulit ulit kong pinapaliwanag at sinasabi na Sabi ko "ma'am wala po talaga sakin yan".
"Wag na daw ako mahiya umamin na daw ako. Sabi ko diko po talaga alam ma'am. Tapos sabi sakin nung manager "ayaw mo magsalita papadala na talaga kita sa security office." "Sabi ko sige po ma'am."Pinababa ako sa security office kasama ko supervisor at mga security guard nagtitinginan sakin mga tao, pero dineadma ko lang kase alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. Sumama ako hanggang sa security office pagdating namin don kasama ko pumasok sa loob yung supervisor ko.
"Tapos bigla ako tinanong nung head ng security office ano daw nangyare. Sabi ko nagshort daw po ako ng 4993.71 pesos. Tapos tinanong nung head yung super visor kung sino nagpadala sakin don sabi nya yung manager. Tapos sabi nya sige iwan mo muna kaming dalawa dito. Iniwan kami nung super visor at kami lang ng head ang naiwan nag usap. Ininterview lang muna nya ako ng una ano daw trabaho ng papa ko saka mama ko. Tapos kung may anak daw ako sabi ko Opo.
"Tapos biglang sabi sakin, "Ah okay kaya mo nagawa to kase may anak ka pala." "Sabi ko sir wala po talaga sakin." Tapos pinatigil nya ako magsalita sabi nya sakin ganito iha ha, pag dika umamin makukulong ka. Paulit ulit kong sinasabi na wala saakin yung pera. Sabi ko kahit ipa rewind nalang sa cctv, wala daw cctv kase di pa tapos gawin. Like what????? Kahera ako tapos sa mall walang cctv. Tapos antgal na nila nag ooperate walang cctv.
"Tapos bigla nalang sya nagsalita na "iha, naiintindihan kita kung bakit mo 'to nagawa, may anak ka. Ginusto mo gawin to kase may pangangailangan ka. Ganito, basta umamin ka lang istatement mo kung anong ginawa mo, para makuha mo yung pera, pano mo nailabas at anong dahilan. Or else dadalhin na kita sa presinto. Gusto mo ba yon? Sabi ko hindi po. Wala naman po talaga sakin, habang nagsasalita ako sabi nya sshhhhhh!!! Wag kana magsalita umamin kana!!! Alam mo ba may nangyari ng ganito dati 4-8 years kang makukulong 40,000 ang piyansa non. May pambayad kaba? Sabi ko wala po. Sila nakulong sila kase di sila umamin kaya ikaw tinutulungan na kita. Umamin sila kung kelan nakakulong na. Edi wala na. Sabi nya.kaya ikaw umamin kana!! Sumisigaw na sya.
"Binigyan nya ako ng papel na dun ko isusulat yung statement. Kinuha ko yung papel, naiiyak nako pinipigilan ko. Hindi ako nagsusulat kahit pinupuwersa na nya ako, tapos sumisigaw na sya sige na isulat mo na, tulungan mo sarili mo deserve mo mabigyan ng second chance. Naawa ako sayo iha di kita ikukulong basta umamin ka at gumawa ka ng statement at tong magiging kaso mo confidencial nalang to, hindi ko ito ilalabas. Yun yung sabi nya. Tapos yun nanginginig nako sobrang naanliliit nako at naiiyak na. Nasa isip ko nalang gusto ko na umuwe. Napilitan ako gumawa ng kwento sa statement.
"Kinuha ko na yung ballpen at magsisimula na ako magsulat kasi sa sobrang takot ko. Habang magsusulat palang ako, tinuruan pa nya ako kung ano isusulat ko, sabi nya isulat mo dyan "ganito po yon, nagawa ko po ito dahil sa financial problem" ganon. Sabi nya. Hindi parin ako nagsusulat, nagagalit na sya sulatin ko na daw. Wala nakong choice alam siguro nila na di ako pumapalag. Nagsulat nako. Sinunod ko yung sinabi nya. Tapos sabi nya isunod mo dyan magkano kinuha mo. At pano mo kinuha at nailabas. Wala ako maisulat kase diko naman talaga ginawa.
"Di ako nagsusulat biglang nagsalita na naman sya ng pag dimo natapos yang statement mo bago mag 5 dadalhin na kita sa presinto. Natakot ako, nagsulat ulit ako na sabi ko nilagay ko sa plastic kasama yung kontrata na kabibigay sakin nung visor ko. Sabi ko dun ko inipit. Tapos nilagay konsa cash box na nakalock. Tapos yun, tapos na yung statement ko. Sabi nya pano yun pano paglabas mo di ba chineck ng guard yung plastic na may kontrata sabi ko chineck po. E pano mo nailabas yon. Sinabi ko di po masyado chineck ng guard. Nadamay pa yung guard sa statement ko pinatawag yung guard sabi sakin diba chineck kita lahat patii yung dala mong kontrata binulatlat ko. Sa isip ko, pati guard alam na nagsasabi ako ng totoo.
"Kaso huli na ang lahat. Nakapagstatement nako nun. Nadamay pa yung guard pinagalitan sya na di daw chinecheck ng maayos. Sinuspend pa sya. Pinaalis na sya. Tapos Tinanong nya kung may kapatid ka sabi ko opo. Nasan sya sabi ko nadito po sa manila. Tawagan mo kapatid mo para mabayaran mo na to, at kapag di mo nabayaran yung 4900 bago mag 6 ikukulong na kita. Sabi ko pano ko po makokontak kapatid ko sir.
"Yung cellphone nya binigay nya sakin pina online nya ako sa acc. Nya pag open ko nagchat ako kay kuya, saka kay lloyd saka kay choi. Tapos habang kachat ko sila biglang kinuha sakin yung cellphone nya at pinagbabasa yung conversation namin, privacy yon bakit nya babasahin diba?! Ddi ttama yon. Habang binabasa nya yung conversation namin pinapapirma naman ako nung visor ko about sa dismissal ko kinuha na rin yung id ko sa landmark. Pagtapos nun binalik sakin cp nya at pinakuha number ni kuya.
"Saka tinawagan nya kapatid ko si kuya Glenn. Kinausap nya sabi nya, Iho yung kapatid mo may problema dito may ginawa syang di maganda. Kelangan nyo mabayaran to bago mag alasais pagbigyan pa kitta hanggang alasyete tulungan mo tong kapatid mo. Gusto mo ba makulong kapatid mo. Tapps sabi daw ni kuya pwede ko ba malaman pangalan mo sir sabi nung hepe Juanito tanod tanod pangalan nya which is di naman totoo. Naniwala naman yung kapatid ko. Sabi nya iho bago mag 7 ha ipadala mo na ha. Sabi ng kuya ko baka naman sir pwedee ho hanggang 12 mahirap po makahanap ng ganyan kalaki. Sabi nya aba hindi pwede ikukulongg ko tong kapatid mo gusto mo ba sabi ni kuya hindi po. Tapos sabi tawagan nalang ulit mamaya.
"Dumating visor ko na sabi bayad daw training ko na 5 days tapos 3 days na pag kaha ko. Sabi nung hepe 4576 pala sahod mo, kulang kanalang ng 417. parang sinakto lang nila dun sa sahod ko dapat dun sa perang sabing ninakaw ko daw.ginawa nila tinawagan nila si kuya ulet at sabi 500 nalang ipadala. Tapos nagpadala nansi kuya pinauwi na nila ako at andaming pinapirmahan sakin.
"Isa lang binigay nila saking kopya at itto nga na nasa picture. Akala ko note of dismissal lang may article XIV pa na nakalagay at theft ang kaso ko na saakin nakapangalan. Alam ko hindi lang sakin nangyari to. Marami kayong employee na dinismissed kahit di naman talaga sila ang gumawa. Nakakaiyak lang na sobramg dami ko nagastos sa lahat ng requirements at uniform Ni piso wala akong nakuha sa sahod ko. Nawala lahat ng pinagpaguran ko. God bless nalang po sa inyo landmark. Sana di napo mangyari sa iba yung nangyari sakin.
"PS. May nagchat sakin na kaworkmate ko sa landmark na Kalat na daw dun na nadismissed ako dahil inamin ko na kinuha ko talaga yung pera which is di naman totoo."
All credit to: Erika Joy Buendicho | Facebook