- Nagbahagi ng isang tweet ang batikang aktres na si Agot Isidro
- Nakatanggap naman siya ng pag-sang ayon sa maraming twitter users
- Napapanahon umano kasi ang nasabi ni Agot
Patuloy ang tila pagbaba ng ekonomiya ng bansa ngayong papatapos ang taon, dahil din ito sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng piso laban sa dolyar.
Kaya naman sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ang batikang aktres na si Agot Isidro ng isang paalala sa lahat.
Pinaalalahanan niya ang lahat na mag ipon lalo dahil sa lolong paghirap ng pamumuhay sa bansa.
"Mag-ipon ipon na. Alam nyo na, taghirap. Habang ang iba, pasarap," tweet nito.
Marami ang sumang-ayon sa sinabing ito ni Agot ngunit kasabay nito na mahirap din mag ipon lalo ngayon para sa mga minimum wage earner.
"Problema agot sa mga below minimum wage earner. Di maka ipon sa hirap ng buhay. Kahit anong klase paghihigpit ng sinturon hanggat di na sosolusyunan ang inflation rate at economy natin karamihan mamatay na dilat ang mata.
," Sabi ng isang nag reply pa sa kaniya.
Ikaw ba, nakakapag-ipon ka pa ba?