- Ibinasura ng Court of Appeals ang naging apila ng showtime host na si Vhong Navarro
- Para ito sa kasong isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo na rape at acts of lasciviousness
- Magpasa hanggang ngayon nga ay nakakulong pa rin ang tv host
Ngayong araw, September 25 ay inilabas ng Court of Appeals ang kanilang hatol na pagbabasura sa inapila ng kampo nina Vhong Navarro na Motion for Reconsideration para sa desisyon nilang i-overturn ang desisyon ng Department of Justice na ibasura ang mga complaints ni Deniece Cornejo.
Alinsunod ito sa inihaing kaso ni Deniece Cornejo na Rape at Acts of Lasciviousness kaugnay sa nangyari sa kanila ni Vhong Navarro noon pang January 2014.
Matatandaan pang kusang loob na sumuko sa awtoridad ang TV Host matapos na matanggap ang warrant of arrest noong September 19.
Dahil sa pagiging non bailable ng kasong rape ay kasalukuyan pa rin ngayong nakakulong ang TV Host.
JUST IN: Court of Appeals denies comedian-host Vhong Navarro’s motion for reconsideration of its decision overturning the DOJ’s dismissal of Deniece Cornejo’s complaints.
— Mike Navallo (@mikenavallo) September 25, 2022
The CA had ordered the filing of rape, acts of lasciviousness charges vs Navarro. pic.twitter.com/tO5CJwlKEa