Jodi Sta. Maria at Coco Martin, parehong ninenerbyos makatrabaho ang isa't isa

Jodi Sta. Maria at Coco Martin, parehong ninenerbyos makatrabaho ang isa't isa

Jodi Sta. Maria at Coco Martin, parehong ninenerbyos makatrabaho ang isa't isa


Parehong excited at kinakabahan na makatrabaho ang isa't isa ang mga bibida sa "Labyu With An Accent" na sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Ang pelikula ay isa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng ABS-CBN ngayong taon at ang unang team-up ng dalawang pinahahalagahang Kapamilya stars.

Sa panayam kay lead actress na si Jodi, inamin niyang kinakabahan siya lalo na't ang katambal na si Coco Martin din ang magdidirek ng kanilang pelikula.

“Sobra kong excited na madirek ng isang Coco Martin na alam naman natin na napakataba ng utak, napakagaling na director,” ani ng aktres.

Bilang preparasyon, nag-research din umano si Jodi tungkol sa kanyang co-star at sa istilo nito sa pagtatrabaho.

“Kinakabahan… since magkatrabaho kami hindi lang bilang artista, magiging director ko siya, I had to ask questions talaga na ano 'yung working style niya. Syempre kailangan ko mag-adjust dun. Anong oras ba siya nagigising? Para alam ko kung anong oras ba tayo dapat nasa set para ma-adjust ko 'yung tulog ko,” paliwanag ni Jodi.

Ikinatuwa rin umano ng aktres na pinapayagan ni Coco ang kanyang mga aktor na mag-off-script para gawing mas personal ang kanilang karakter.

“Buhay ang istorya, hindi siya nakakahon. That means there will be times na ito 'yung scene, sabihin mo kung anong gusto mong sabihin and then magbatuhan tayo,”dagdag pa niya.

Samantala, inamin ni Coco na pressured siyang makatrabaho si Jodi, na kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa bansa.

As a co-actor, ninenerbyos ako. Isa siya sa pinakamagaling na artışa sa buong Pilipinas. As a director, dun ako nacha-challenge kasi alam kong magaling siya. Sa umpisa medyo mahirap, pero ako kasi, nagtitiwala ako sa actor ko,” aniya. 

“Sobra naman ang tiwala ko kay Jodi. Kaya ako kinakabahan bilang artista pero as a director, maning-mani sa kaniya ito,” dagdag pa niya.

Ang pelikula ay kukunan sa Pilipinas at sa US. Tutungo sila sa ibang bansa sa simula ng Oktubre.

Ang “Labyu With An Accent” ay isa sa dalawang pelikula ng Star Cinema na magiging bahagi ng 2022 MMFF kasama ang “Partners In Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi.