Janice de Belen, ikinuwento kung paano siya naimbyerna sa attitude ng isang young star

Janice de Belen, ikinuwento kung paano siya naimbyerna sa attitude ng isang young star

Janice de Belen, ikinuwento kung paano siya naimbyerna sa attitude ng isang young star


 - Binalikan ng batikang aktres na si Janice de Belen ang encounter niya noon sa isang young star na may pagka-attitude umano

- Siya raw ay gumanap na ina ni young star sa isang teleseryeng hindi naman niya pinangalanan

- Nagpasalamat din daw ang direktor ng serye kay Janice sa ginawa niyang pagdidisiplina sa may attitude na young star

Sa naganap na presscon ng pelikulang 'Sugat sa Dugo' ng Dragon Entertainment Productions Inc., binalikan ng batikang aktres na si Janice de Belen ang eksena niya noon sa isang young star na pinakitaan umano siya ng 'attitude'.

Chika niya, ang papel niya raw sa serye ay ang ina ni young star. Hindi naman niya pinangalanan o sinabi kung anong serye ito.

Kahit na nakatago ang pangalan ni young star, dinetalye naman niyang ikinuwento ang pagpalag niya sa attitude ng batang artista.

“Pag um-attitude sila, attitude din ako. Para sa akin, ang hate na hate ko, ang super pet peeve ko, pag nag-eeksena tayo, huwag mong ilagay ang telepono sa bulsa mo,” aniya.

Maaari raw kasing maging distraction sa pag-arte nila ang cellphone ni young star na nasa bulsa nito.

“At iyan pag nag-eeksena tayo, at pag iyan nag-vibrate… kahit vibrate, makikita ko, e. Makikita, mararamdaman ko na madi-distract ka ng two seconds. Kasi siyempre nag-vibrate mararamdaman mo, makikita ko iyan, e.

“Maapektuhan ang pag-arte mo, maapektuhan din ako. Sinabihan ko talaga na… kasi, sabi sa akin, ‘Okay lang po, naka-silent naman’.

Naging matigas daw kasi si young star kahit sinabi na niyang hindi pwede ang may cellphone sa bulsa.

Dagdag nito, “Hanggang sa umabot sa point na sinabi ko na, ‘Hindi ko iti-take ang eksena na ito hangga’t hindi mo tinatanggal yung phone sa bulsa mo.'

“Kasi, hindi naman iyun para sa akin, e. Para sa kanila yun. Kasi, puwede kang sigawan ng direktor kapag nag-react ka, kaya sinabi ko iyan sa iyo.

“Distraction yun, e. Saka yung nag-Instagram ka. Okay lang i-Instagram mo kapag wala pa talagang nagaganap. Pero kapag nag-eksena na, ilayo mo na iyan," pahayag pa niya.