Wala nang ibang ma tsismis, Cristy binubuhay ang chika tungkol sa pagkawala agad ni Arjo sa 'Probinsyano'"

Wala nang ibang ma tsismis, Cristy binubuhay ang chika tungkol sa pagkawala agad ni Arjo sa 'Probinsyano'"

Wala nang ibang ma tsismis, Cristy binubuhay ang chika tungkol sa pagkawala agad ni Arjo sa 'Probinsyano'"


 - May tsismis na namang dala si Cristy Fermin tungkol naman sa pamamaalam noon ni Arjo Atayde sa 'FPJ's Ang Probinsyano'

- Matatandaang gumanap si Arjo bilang kalaban ni Cardo kaya naman nagbalik-tanaw ito sa pagkamatay 'agad' ni Arjo

- Mapapanood naman muli si Arjo sa ABS-CBN sa upcoming series niya na 'The Rebirth of Cattleya Killer'

Sa recent vlog ng manunulat na si Cristy Fermin, ibinuking niya sa 'Showbiz Now Na' ang 'di umano'y dahilan kung bakit pinatay agad-agad ang karakter ni Arjo Atayde sa 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Naging parte noon si Arjo sa serye ni Coco Martin na siyang naging kalaban ni Cardo sa takbo ng buhay niya bago ito magtagal ng pitong taon sa ere.

Tsismis naman kung maituturing ang chika ni Cristy kung bakit sinibak umano si Arjo sa serye ni Coco. Wala naman kasing solid na ebidensya kung totoo nga ito.

"E sa Ang Probinsyano 'di ba may kwento nun? Na dahil sa sobrang galing ni Arjo Atayde sa pag-arte, tinanggal siya ni Coco Martin sa script," kwento ni Cristy.

"Na-insecure daw ang Lolo Cardo mo dahil napakagaling. Nakita niya na pinupuri-puri talaga ng mga press people at mga vloggers itong si Arjo... Pinaiksi, ganun naman talaga 'di ba?" dagdag pa nito.

Ngunit nilinaw naman noon ni Arjo na wala namang tunggalian sa pagitan nila ni Coco. “I consider him one of my mentors,” ani Arjo sa isang panayam sa kanya noong April 2016.

“I learn so much from him. This rivalry is just the perception of other people. I look up to him. He has been in the business longer than me, and he is way more popular,” paglilinaw pa nito.

Samantala, mapapanood naman muli si Arjo ng mga Kapamilya sa comeback series niya sa ABS-CBN na may pamagat na 'The Rebirth of the Cattleya Killer' na hango umano sa pelikula ni Aga Muhlach na 'Sa Aking Mga Kamay' (1996).