Atty. Leni Robredo, may pasaring sa mga nagbabago ng kasaysayan; Pinuri ang 'Katips'

Atty. Leni Robredo, may pasaring sa mga nagbabago ng kasaysayan; Pinuri ang 'Katips'

Atty. Leni Robredo, may pasaring sa mga nagbabago ng kasaysayan; Pinuri ang 'Katips'


 - Pinuri ni former Vice President Leni Robredo ang pelikulang 'Katips' na sumisentro sa panahon ng Martial Law

- Kalaban nito sa takilya ang isa pang Marcos-centered movie na 'Maid in Malacañang' na idinirek ng controversial director na si Daryl Yap

- Aniya, mahalaga ang 'Katips' ngayong panahon na may nagpupumilit na baguhin ang tunay na kasaysayan at naniniwala sa kasinungalingan

Pinuri ng dating bise presidente na si Leni Robredo ang pelikulang 'Katips', ang Martial Law movie na idinirek ni Vince Tañada na nagwagi ng ilang mga awards sa nagdaang 70th FAMAS Awards tulad ng Best Director at Best Actor.

Sa video na ibinahagi ng Philippine Stagers Foundation, makikitang pinuri ni Leni Robredo ang Katips at nanawagan pa sa publiko na panoorin ang 'wonderful piece' na ito.

“OMG! Look: Nanawagan si citizen Atty. Leni Robredo sa lahat ng #katips na manood na sa sinehan. Wag kalimutan na magsama para mas maraming makaalam sa tunay na mensahe ng #katipsTheMovie,” caption nito.

Pagsisimula ni Atty. Robredo,“Hello sa lahat ng bumubuo ng Katips. Congratulations sa inyo for this wonderful piece.

“Mahalaga ang mensaheng dala ng inyong pelikula, lalo na sa panahong pilit na binabago at inililihis ang kasaysayan, at marami sa ating mga kababayan ang napapaniwala sa mga kasinungalingan.

”You are yet another proof that art is integral in the way we shape the world. Patuloy lang sa paglikha! Maraming salamat sa inyong lahat!” pahayag nito.