Pinagkakaguluhan ngayon sa Twitter ang naging pahayag ng aktres na si Ruffa Gutierrez tungkol sa umano'y estudyante mula sa isang prestihiyosong paaralan na hindi naman nito pinangalanan.
"Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag aralan nga, asal kanto naman.Gosh…," ayon sa tweet ng aktres nitong Martes.
Inulan naman ito ng pamumuna mula sa netizens dahil sa paggamit ng aktres sa katagang "asal kanto".
"Having attended elite universities does not guarantee good manners. Same goes to those who have not. "Asal kanto" is just a state of mind, a product of one's perception about how other people do not conform to your standards," ani ng isang Twitter user na nagngangalang MagnusAlbertus.
"Maam, tandaan ninyo that higher education in any university in this country is mostly a privilege. Isa ka roon sa naka-afford makatapos sa unibersidad just this May. Dapat alam mo na hindi cookie-cutter ang molde ng estudyante. Tingnan mo ikaw, edukada ka pero ang gaspang mo," ani naman ni Maurice Joseph Maglaquí Almadrones.
"Elitista ka, you look down on those you call “asal kanto” whereas kinalakhan ko na ikaw and I could also say the same about you."
"At least many students with good formation know how discern good and evil, hindi sumasamba sa magnanakaw, mandaraya, at mamamatay tayo," dagdag pa nito.
Maging ang ilang isyu mula sa nakaraan ng aktres ay hindi naiwasang hindi maungkat ng mga netizen sa kanilang komento sa nasabing tweet.
"Oo nga parang kayo ng Mama mo, remember the Manila Film Festival with Lolit Solis? Talk against nalang if you really have the rights. Magsalamin muna and think before you post," ani ng isa pang netizen.
Si Ruffa ay bibida sa kontrobersiyal na pelikulang "Maid in Malacañang" na mariing kinokondena ng mga kabataan at mga Historyador dahil sa posibleng pagmamanipula umano ng kwento na may kinalaman sa kasaysayan.
Laman din ng isa pang isyu ang aktres dahil sa umano'y pagpapalayas nito ng dalawang kasambahay at hindi pagpapasweldo sa mga ito. Nagbigay na ng paliwanag ang aktres tungkol sa isyu at ang kanyang abogado na umano ang bahala rito.