- Sa kaniyang twitter account ay naglabas ng kaniyang saloobin si Pokwang para kay Ella Cruz
- Viral at naging usap-usapan ang naturang statement niya
- At may ilang bashers na dahil walang maipambawi ay pinuna na lamang ang spelling sa nasabi niya
Sa kaniyang twitter account ay naglabas ng kaniyang saloobin si Pokwang para sa kontrobersiyal na statement ng anak anakan niyang si Ella Cruz patungkol sa ang History ay kagaya umano ng chismis.
"nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana," tweet nito.
Marami ang natuwa at natawa sa hirit na ito ni Pokwang dahil sa akma at tama umano ang mga nasabi niya, ngunit may ilan na imbes na isipin nag pahayag niya ay pinuna ang kakulangan ng iisang letra ang salitang ginamit niya.
"Iodin daw sabi nung nagmamagaling , @pokwang27 IODINE po pakatanga sa spelling lumaklak ka po ng betadine, bago mo turuan iba kung ano ang nakakatalino mukhang ikaw may kailangan nun," tweet reply ng basher.
May isa naman na pinagtanggol si Pokwang at pinatunayang tama rin ang pag gamit nito sa salitang iodin.
"Iodin is another spelling of Iodine... Hindi lang masyadong ginagamit. Ever heard of British English and American English Spelling Differences? Research din pag may time. Start with Etymology that is not like tsismis.," ani ng netizen.
Samantala maging si Pokwang ay sinupalpal ang basher at binigyan ng tila hinihingi niyang letter 'E'.
"o yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kesa naman kukang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! dadamihan kopa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?," ani Pokwang.