Marami ang natuwa sa pagsasanib-pwersang naganap sa pagitan ng noontime shows na Lunch Out Loud ng TV5 at It's Showtime ng ABS-CBN na nagsimula noong Sabado.
Dahil sa pagiging back-to-back ng mga nasabing programa, nagkaroon ng pagbabago sa mga oras ng pag-ere nito. Mula sa dating mas maaga nitong oras ay 12:45 na mapapanood ang It's Showtime.
Pinag-usapan sa iba't ibang social media platforms at trending topic worldwide ang naging opening number ng It's Showtime hosts at ang muling pagkakaroon ng live audience sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang ilang taon na pagkawala dahil sa pandemya.
Nitong Lunes ay naging trending topic muli ang It's Showtime dahil sa pagkaputol ng pag-ere ng programa sa TV5 pagsapit ng alas tres ng hapon. Maraming manonood at netizens ang nabitin umapela na pahabain pa ang airtime ng programa.
"Grateful for the opportunity gave by the TV5 to @itsShowtimeNa but we can't deny the fact that people are not enjoying the show instead they are all worrying because lahat natataranta the hosts,staffs,and all people behind the camera. #ExtendShowtimeAirtime," ani ng isang netizen.
"We are beyond thankful for this family, and so to their networks who always got their back. We appreciate every single effort. But we must admit that we want more of them. They are more than being our happy pill, they are our home."
"The amount of energy they bring to the table, the consistent effort throughout the show to keep the audience happy and energized, the unmatched talent and humor of the hosts (esp to my faves vice jhong anne!), super sayang with the limited time so plish ty," saad naman ng isa pang netizen.
Sa latest episode ng It's Showtime kanina, ibinahagi ng host na si Vice Ganda na nagkaroon na ng pagpupulong para sa magiging adjustments ng programa. "Makapangyarihan ang boses ng madlang people," wika ni Vice.