Hindi ikinatuwa ni DJ Loonyo ang naging paggamit ng Kapamilya singer na si Janine Berdin sa isang meme bilang photo cover sa kanyang opisyal na Facebook page.
Sa nasabing meme ay mababasa ang pangalan ni DJ Loonyo na nakakabit sa headline na nagpipetisyon na ipalit ito sa Nino'y Aquino International Airport o NAIA.
Nauso ang nasabing meme matapos umugong ang balitang pinaplanong pagpasa ng batas ng isang Kongresista na naglalayon na palitang ang Ninoy Aquino International Airport at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.
Sa isang larawan sa kanyang Facebook post ay ipinakita ni Loonyo ang mensaheng pinadala niya sa mang-aawit para makuha ang pansin nito tungkol sa nasabing meme.
"Maam sorry. May natitira pa po ba kayong respeto? May nagawa ba akong sayong mali?" laman ng mensahe nito kay Janine.
Sa isa namang larawan ang makikita ang naging tugon ni Janine. "Hala Kuya, Hello po! It's really just a meme that I found super funny. I found it online. I didn't really mean any harm," paliwanag nito.
"Ano po kaya context ng meme? I just thought it meant to change the name of the airport to you. Like pok*ng fun. Super random."
Really didn't mean any harm! I don't think people found it degrading to you as well po. But if you want, I could always take it down," dagdag pa ng mang-aawit.
Base naman sa caption ni Loonyo sa screenshot nito, tila hindi parin nito ikinatuwa ang naging paliwanag ni Janine.
"Nakakatakot yung utak ng mga ganitong tao. Pag kayo ginanyan, Issue. Headline. Bash agad. Katuwaan? Tapos binabash and pinagtitripan yung taong involved?"
"You're better than that for sure. Godbless your soul. Weird shi*t," dugtong pa ni Loonyo habang naka-tag ang pangalan ni Janine.
Muli namang naghayag ng saloobin sa kanyang Instagram story si Janine matapos nitong mabasa ang mensahe ni Loonyo.
"Oh kuya, if you really wanna talk about it publicly, I really wanna know how you understood the meme.
"I just thought it was a petition to just literally change the airport name to you. It's satire. It's pok*ng fun. It's random. No one would actually take it seriously.
"People use my name to pok* fun all the time as well. H/ell people talk sh*t and laugh at me as well. I'm not saying that's what the meme was doing kasi it wasn't meant to be degrad*ng at all. But yeah.It's what comes along when you're a public figure. No big! Smile po kayo," ani nito.
Nagawa naman magpost pa muli ni Janine ng panibagong meme kung saan pangalan niya ang ipinalit sa nasabing airport.