- Kinumpirma ni Cristy Fermin sa kaniyang programa ang pagdadalang tao ni AJ Raval
- Taas noong sinasabi nito na tama at lehitimo ang nakuha niyang impormasyon
- At hindi nga maikakailang si Aljur Abrenica, na siyang kasalukuyang boyfriend ang ama
Sa kaniyang YouTube show ay ibinahagi ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang isa sa malaking balita niya.
Dito ay ibinunyag niya at kinukumprima ang pagdadalang tao ni AJ Raval.
"Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin ng syento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalang-tao po si AJ Raval" panimula Cristy.
Alam umano niya na lalaking haharapin ni Aljur ang responsibilidad nito kay AJ ngunit kinakabahan umano ito sa maaaring gawin ni Kylie lalo pa't hindi pa sila opisyal na hiwalay.
"Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking lalaki si Aljur. Kaya niya yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila," dagdag pa nito.
Dahil din umano sa pangyayari ay malamang na pansamantalang mawawala sa showbiz si AJ, lalo pa't hindi na matutuloy pa ang gagawin sana nitong pelikula.
"Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ. Kaya yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang 'tong batang ito," ani Cristy.