- Sa kaniyang digital show ay ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Ella Cruz
- Kaugnay ito sa salaysay ni Ella Cruz na ang Kasaysayan ay kagaya lamang ng tsismis
- Ani Cristy na kagaya ni Ella ay ginagamit din nito ang ganoong kaisipan
Viral at usap-usapan pa rin hanggang sa ngayon ang naging pahayag ni Ella Cruz parungkol sa naiisip niya sa History.
Tumatak na sa netizens ang sinabi jiyang "History is like tsismis", na hindi umano katanggap tanggap lalo na sa mga historians.
Samantala kung kinainisan ng marami ang pahayag na ito ni Ella ay tila iba naman ang masasabi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Ipinagtanggol pa ng kolumnista ang aktres at sinabing wala namang mali sa nasabi nito.
“Alam mo, Romel, wala akong nakikitang masama dito. Ginagamit ko nga ‘yan e pagka New Year’s resolution. ‘Ano ang New Year’s resolution mo?’ ‘Ay naku, it’s like history, it repeats itself,” saad ni Cristy sa kaniyang digital show.
Dagdag pa niya, “Ang ganda naman ng pagkasabi ni Ella, ‘di ba? Minsan may tinatanggal, minsan may idinadagdag at depende po sa pananaw ng nagbibigay ng interpretasyon kung may bias o wala."
Na siya namang sinang-ayunan ng partner niyang si Romel. “Opo, Nay. At saka ang tao naman ang nagbigay ng meaning. Hindi nila naunawaan ‘yung post na ‘history is like tsismis.’ Hindi naman ‘history is tsismis,’ iba naman ‘yon."
Dagdag pa ni Cristy na mas ok pa umano ang nangyari at naging maagang promotion pa raw para sa pelikula nito.