Bayani, pinatamaan na naman ang It's Showtime? "Lord... Huwag Niyo po kaming hahayaang maging hambog..."

Bayani, pinatamaan na naman ang It's Showtime? "Lord... Huwag Niyo po kaming hahayaang maging hambog..."

Bayani, pinatamaan na naman ang It's Showtime? "Lord... Huwag Niyo po kaming hahayaang maging hambog..."


 - Tila may pa-'shade' na naman ang Tropang LOL host na si Bayani Agbayani sa dati nitong kalabang noontime show na 'It's Showtime'

- Sa kanyang dasal ay may panalangin ito sa Panginoon na sana'y huwag silang hahayaang maging hambog o 'di kaya'y maging mayabang

- Matatandaang nagsimula ang parinigan ng dalawang programa dahil sa komento ni Bayani sa hindi nila pag-oovertime na hindi ikinatuwa ng madlang people

May bago na naman 'di umanong patama ang Tropang LOL host na si Bayani Agbayani laban sa dati nitong katapat na programa, ang 'It's Showtime'.

Sa July 25 episode ng Tropang LOL kung saan si Bayani ang mamumuno sa closing prayer, tila naisingit niya pang bigyan ng patama ang mga hosts ng It's Showtime.

Hindi naman ikinatuwa ng mga manonood ang 'panalanging' ito ni Bayani lalo na ng mga madlang people ngayong mapapanood na ang dalawang programa sa TV5 at sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN.

"Lord! Maraming salamat po sa humility na binibigay Mo sa amin, ipagpatuloy Mo pong ibigay sa amin 'yan. Pagpatuloy Niyo po kaming bigyan ng pusong mapagmahal. Salamat po sa kalusugan (at) sa lahat ng bagay," ang pagsisimula ni Bayani sa kanyang dasal.

Sa sumunod niya pang panalangin ay dito na niya isingit na sana'y huwag sila hahayaang maging hambog at mayabang. May diin si Bayani habang sinasabi ang salitang "hambog".

"Huwag Niyo po kaming hahayaang maging hambog o mayabang.

"Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya. Thank you Lord, thank you Mama Mary. Amen!" panalangin pa ng komedyante.

Matatandaan namang nagsimula ang parinigan nina Bayani at Vice Ganda noong pinatamaan ni Bayani ang It's Showtime gamit ang kanyang komento dahilan upang pumutok ang isyu ng pag-oovertime.

Palagi kasing nag-oovertime ang It's Showtime kaya naman hiling pa ng mga madlang people na i-extend o paagahin pa ang pagpapalabas sa programa kaya naman tila nanganganib na ligwakin na ang Tropang LOL.