Ang Probinsyano trends as it starts its 3-week countdown to finale

Ang Probinsyano trends as it starts its 3-week countdown to finale

Ang Probinsyano trends as it starts its 3-week countdown to finale
Pinag-usapan sa iba't ibang social media platforms ang naging anunsyo ng bidang aktor na si Coco Martin kagabi sa nalalapit na pagtatapos ng longest-running teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

“Malungkot man na tayo’y maghihiwalay, pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman. Nagbago man ang mundo, nandiyan pa rin kayo. Kahit man po matapos ang teleseryeng ‘to, hinding hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo,” wika ni Coco.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng avid viewers at tagahanga ng bidang karakter na si Cardo Dalisay sa nasabing teleserye na umere ng pitong taon sa telebisyon. 

Hindi lang ang mga karakter ang dumaan sa maraming pagsubok, maging ang serye mismo ay marami naring napagdaanan ngunit patuloy parin itong namamayagpag sa telebisyon maging sa Digital platforms.

Naging malapit sa manonood ang mga eksena sa Ang Probinsyano dahil sa pagsasalamin nito sa iba't ibang isyung nangyayari sa kasalukuyan.

"The FPJ's Ang Probinsyano's last three weeks will be an iconic ending to Philippine TV. This action drama represents how the PH government works, and this series will be missed forever on PH TV by the viewer. Kudos, ABS-CBN, for making this 7-year world-class action drama series," wika ni Patricio (@itsmePatrickDV) sa kanyang tweet.

"We all joke about its never-ending plot, but we gotta admit that it became a huge part of the Filipino household's routine. Kudos to the whole team. Honestly, it's gonna be hard to top a teleserye with this popularity and success," ani ni DJ Gabby (Rizz_Rianne).

"I'm betting that the last episode of FPJ's Ang Probinsyano will BREAK RECORDS, both on TV & YouTube viewership," ayon naman kay John Paulo Valdez (jpvaldez_2020).

"I was seriously hoping that Ang Probinsyano will reach 10 years with new stories and format, etc... Kinda' surreal that we're counting its final three weeks but at least it's gonna end with a revolution against the corrupt PH government! Laban Cardo Dalisay!," tweet naman ni Jhess J. Sales (@Jhess1492).

"Lots of thoughts about seeing FPJ’s Ang Probinsyano announcing na huling tatlong linggo na lang nila (after seven years!)—but, in all seriousness, as someone who worked on an undergrad thesis about it, this is a teleserye that’s very, very rich for layers upon layers of readings," ayon sa Communication Strategist na si Philip Jamilla.


Ang FPJ's Ang Probinsiyano ay magtatapos sa susunod na buwan, Agosto 12, at magiging kahalili nito ang Darna TV series simula Agosto 15 na pagbibidahan nina Jane De Leon, Joshua Garcia, Iza Calzado, Zaijian Jaranilla, at Janella Salvador.