- Viral ang kwento ng isang mangingisda mula Palawan sa patungkol sa kaniyang nahuli
- Ibinida ni Peter Beldeniza ang malaking Lapu-Lapu na mag isa umano niyang nahuli
- Naibenta niya ang naturang isda sa malaking halaga
Viral at kinagiliwan ng netizens ang kuwento ng isang mangingisda patungkol sa pagkakahuli nito ng dambuhalang Lapu-Lapu na tumitimbang ng 123 Kilos.
Sa kaniyang facebook account ay ibinahagi niya ang kaniyang kwento.
"Mag-isa lang ako na naglaot alas dos ng May 2. Pagdating ng gabi, nakahuli ako ng dugso. Gabi ng kinabukasan (Mayo 3), ang tagal, walang kumakagat sa pain ng kawil ko. Siguro walang isda kasi nabulabog niya (lapu-lapu). Mga bandang 10 na, may kumain sa kawil ko -- tulingan ang pain ko , mga kalahating kilo. Pag-arya ko ng kawil, tinali ko sa palatik, tapos umikot na ang nylon," panimula nito.
Labis umano ang kasiyahan niya na makahili ng ganoon kalaking isda, sa katunayan ay hindi na niya umano kayang iakyat ito sa kaniyang bangka kaya tinalian na lamang niya ito.
"Hindi ko na siya kayang iakyat sa bangka, tinali ko na lang tatlong lubid sa panga ng isda saka hinila ko patabi. Masaya ako at nagpapasalamat sa Panginood dahil nabigyan ako ng biyaya," ani Peter.
Tumataginting na P19,000 niya naibenta ang malaking Lapu-Lapu na nahuli niya.
"Pag may ganitong biyaya po, malaki ang pasasalamat namin sa Panginoon. Doble ang blessing namin kasi katatapos lang ng anak namin mag-training sa Philippine Coast Guard (PCG), kaya medyo nagkautang din kami. Kaya ngayon na may panibagong blessing, magbabawas na kami ng mga utang namin," dagdag pa niya.