Donnalyn, sinupalpal ang vlogger na ginamit siya para sa pera: "Luh baliw kana..."

Donnalyn, sinupalpal ang vlogger na ginamit siya para sa pera: "Luh baliw kana..."

Donnalyn, sinupalpal ang vlogger na ginamit siya para sa pera: "Luh baliw kana..."
- Umalma ang content creator na si Donnalyn Bartolome sa isang vlogger na ginamit ang kanyang pangalan upang makalikom ng pera

- Kinilala bilang si Jose Hallorina, sinabi nitong idinemanda siya ni Donnalyn ngunit pinabulaanan naman ito ng sikat na vlogger

- Kinuwestiyon din ni Donnalyn ang bank account na sinabi ni Jose na magbigay doon ng donasyon dahil aniya'y private account ito

Hindi natuwa ang sikat na content creator na si Donnalyn Bartolome sa isang vlogger na nagsabing idinemanda niya si Jose Hallorina at natalo siya sa kasong 'di umano'y isinampa niya.

Ang YouTube video kasi ni Jose ay may pamagat na "Donnalyn, natalo ni Jose Hallorina sa kaso" na siya namang nilagyan niya ng thumbnail na nagpapakita ng isang dokumentong tila sumusuporta sa kanyang kasinungalingan.

Umabot ang nasabing vlog na ito kay Donnalyn Bartolome atsaka niya kinumpirmang walang katotohanan ang sinasabi ni Jose laban sa kanya. Umalma ito at kinuwestiyon pa ang 'tunay na pakay' ng vlogger.

Sa kanyang Facebook account, nagpost ito ng kanyang hinaing kay Jose kasama ang screenshot ng video niya. Sa ngayon ay may mahigit dalawang daang libong views na ang kanyang vlog.

"Luh baliw kana. hindi naman kita dinemanda paano moko matatalo sa korte? Kwentong barbero yarn? balakajan koya. Mag content ka ng maayos wag puro panggagamit ng name ko po please," panimula ni Donnalyn.

Dagdag pa niya, "Pagkatapos niya magsinungaling na natalo daw niya ako sa kaso kahit hindi ko siya dinemanda.. NANGHINGI SIYA NG DONATIONS.

"Jusko nagamit nanaman pangalan ko para makalikom ng pera. Dapat di nako mgcocomment pero need ko po maginform para walang maloko sa pera. Ginagamit niya credibility ko to get money, hala siya. Kahit sabihin mo irereport mo sa govt ang papasok diyan, paano sayo maniniwala eh private account binuksan mo?

"Walang karapatan govt diyan. i-Trust ka nalang? Misleading nga video mo hindi naman kita dinemanda tapos natalo moko? Dun palang sinungaling ka na, paano pa sa lahat ng mga sinabi mo in the past? Binabaliko niya mga totoong nangyari tapos dinedelete comment niya mga nagsasabi ng totoo. Wag niyo po sana bigyan ng pera ‘to.. revealed na revealed ang habol niya from the very start."

Sinabi naman nitong maaari siyang tumulong ngunit huwag naman daw sana siyang siraan dahil mayroon pa siyang mga kapatid na kailangan siya.

"Money is the root of all evil. Samantalang nung wala akong pera, Tae lang ako sa mga relatives ko.. tas ngayon sisiraan ako nananahimik akong nagtatrabaho. I will help pero wag niyo nako siraan, may mga kapatid pa akong kailangan ako.

"Lahat ng nanira saakin sa buong lifetime ko was eventually proven wrong because LIES HAVE SPEED BUT TRUTH HAS ENDURANCE. If Johnny Depp waited for 6 years for the truth to come out, then I too will be patient," ang kanyang buong pahayag.