"Sa isang babae Salve, malaking stigma na iwanan ka ng BF mo, at mas malaki pang insecurity iyon ipagpalit ka. Sana kundi ang build up sa iyo ay maganda ka, sikat, at talented. At mas lalong malaking issue iyon gamitin mo ang illusionary power mo para ipacancel ang invitation sa presscon ng producer mo.
"Iyan si Bea Alonzo, ang sabi maganda, yummy, talented na star, pero ghosting at pinagpalit ni Gerard Anderson kay Julia Barretto," panimula ni Lolit.
'Feeling insecure' rin ang bansag niya sa aktres dahil pinagpalit siya ni Gerald para sa 'mas bata at magandang' si Julia Barretto.
"Si Bea Alonzo na akala mo sweet face, mabait at maganda ang character, pero gusto ng power tripping, at feeling insecure na iniwan ni Gerard para sa mas bata at magandang si Julia Barretto," hirit pa ng manunulat.
Aniya pa, mag-'bow' raw kay Bea ngunit mas hanga kay Julia dahil mayroon itong Gerald Anderson na tila pa isang trophy na maaaring maipagmalaki.
"kaya BOW ka kay Bea Alonzo, pero mas hanga ka kay Julia Barretto dahil meron siyang Gerard Anderson, hah hah, iyon ang trophy niya na wala si Bea, bongga," saad pa niya.