- Binigyan ng puntos ni Madam Inutz si Dawn Chang sa pagganap nito sa MMK ng kanyang talambuhay
- Tuwang-tuwa naman si Madam Inutz kay Dawn dahil umano sa gayang-gayang facial expressions nito pati na rin ang pagngiwi
- Hinimay-himay nga rin daw ni Dawn kung ano pang dapat niya malaman at makuha sa kanya mula pagka-bata
Mula sa pagiging viral online seller hanggang sa pagiging housemate sa loob ng bahay ni Kuya, hindi inaasahan ni Madam Inutz na mapapanood ang kanyang buhay sa longest-running Philippine drama anthology na walang iba kundi ang ‘Maalaala Mo Kaya’ o ‘MMK’.
Bilang si Madam Inutz na binuhay ni Dawn Chang sa MMK, tuwang-tuwa si Madam Inutz dahil sa galing ng aktres sa pag-arte lalo na't nakuha rin nito ang kanyang mga facial expressions.
Ang naturang episode naman na ito ay ang handog ng MMK para sa espeyal na Mother's Day episode nito noong nakaraang May 7 at 14.
“Nakakatuwa kay Dawn Chang, inisa-isa niya, hinimay-himay niya kung ano ‘yung dapat niyang makuha sa akin. Mula pagkabata, ano ka ba?
“Saan ka humuhugot ng lakas, ano naging inspirasyon mo para makuha niya ‘yung emosyon kung ano ba talaga si Madam Inutz,” pagbabahagi niya.
Binigyan naman niya ito ng mahigit sampung puntos sa 10/10 nitong pagganap, “Sabi ko, ‘Ay! Parang ako!’ Talagang kuhang-kuha niya pati pagngiwi, pati ‘yung pag-arte. Napahanga ako talaga. Sabi ko, nakakatuwa."
“Nag-flashback lahat ng nangyari kay Madam Inutz. Napagdaanan ko pala itong hirap na ‘to pero andito pa rin si Madam Inutz na mas pinagtibay ng panahon, pinagtibay ng pagsubok talaga.
“Hindi ako makapaniwala simula pagkabata hanggan ngayon, nandito pa rin ako na mas matatag at syempre mas naniniwala pa sa sarili ko,” emosyonal na pagbabahagi ng Kapamilya comedienne.