KD Estrada at FLEX contenders, ipinaliwanag ang kanilang pananaw tungkol sa "modern masculinity"

KD Estrada at FLEX contenders, ipinaliwanag ang kanilang pananaw tungkol sa "modern masculinity"

KD Estrada at FLEX contenders, ipinaliwanag ang kanilang pananaw tungkol sa "modern masculinity"
Tinukoy ng showbiz newcomer na si KD Estrada at mga contenders para sa digital magazine ng Star Magic na Flex kung ano ang ibig sabihin ng "modern masculinity" para sa kanila.

 Sinabi ni Estrada na ang mga lalaki ay madaling magkamali sa kabila ng lahat ng mga pribilehiyo na mayroon sila sa buhay.

"I don’t think it’s hard to be a guy right now but I would say it’s easy to make a lot of mistakes," ayon kay KD sa naganap na press conference.

Ayon naman kay Aleck Iñigo, dapat ay higit pa sa pangangatawan o pisikal na anyo, mas dapat pagtuunan ng atensiyon ang ugali ng isang tao.

"Hindi lang siya about ‘yung body physique natin, it’s all about the mindset, the right attitude. Hindi naman porket sinabing masculine ka is kailangan tough and strong ka all the time. It should be ‘yung biggest flex talaga is ‘yung pagiging marespeto mo and gentleman sa mga tao," aniya. 

"Hindi na kasi uso ‘yung mga dadaanin mo sa brusko, dadaanin mo sa angas, iba na ngayon eh. ‘Yung mga girls nga, ‘yung ibang tao gusto na nila ‘yung mga lalaking malalambing, ‘yung mga lalaking soft kasi doon makikita ‘yung true emotions ng lalaki."

Sinabi naman ni Wize Estabillo na dapat pantay ang mga lalaki at babae ngunit hindi lahat ay nasa parehong katayuan.

"Of course, we all have our own rights pero sabi ko nga hindi pa rin nawawala ‘yung pagiging gentleman," tugon niya.

Pagmamahal sa sarili naman ang mas importante para kay Andrei King: "Dapat talaga ay mahalin mo ‘yung sarili mo dahil ‘pag minahal mo ‘yung sarili mo maiisip mo at magagawa mo ‘yung mga gusto mong magawa katulad ko dahil before na-bully ako and ginagawa ko is ‘yung mga dating pangarap ko lang, ‘yung mga dating ‘di ko akalaing makukuha ko, makakamtan ko."

"Best talaga is to love yourself and give love sa lahat ng taong makakasalamuha mo kahit sino pa siya, kahit ano pang estado sa buhay dapat pagmamahal lang ibibigay at pag-unawa sa lahat ng taong naka-surround sa’yo," sagot nito.


Sinabi ni Laziz Rustamov na ang intensyon ng isang lalaki ay dapat na malinis: "As long as your intentions are pure and you’re doing something productive and making people smile, I think it’s good."

Tugon naman ni Anthony Barion na dapat na ang kahinaan ng loob at emosyon ay hindi isang tanda ng kahinaan bilang isang lalaki.

"They say a real gentleman knows how to cry kasi we need to hone in our skills. For a long time, men have always been told you’re not allowed to cry, men don’t do that but I think being in tune with our emotions as men is I think women find sexier, someone who can control their emotions, someone who’s confident about showing their emotions that’s what women find sexy nowadays."