Kaori, Kyle at Joao, bibida sa series adaptation ng sikat na Wattpad story

Kaori, Kyle at Joao, bibida sa series adaptation ng sikat na Wattpad story

Kaori, Kyle at Joao, bibida sa series adaptation ng sikat na Wattpad story
Magbibida sina Kaori Oinuma, Kyle Echarri, at Joao Constancia sa isang series adaptation hango mula sa Wattpad story na “Kiss Master,” na gagawing co-produce ng online publishing platform, Kumu, at Black Sheep.

 Ang proyekto ay gagawing 8-episode series ayon sa inanunsyo noong Lunes sa pamamagitan ng ulat ng Variety.

 Si Chad Vidanes, direktor ng massive hit na “He’s Into Her” — isa pang adaptation ng Wattpad — ang mamumuno sa paggawa ng “Kiss Master.”

Isinulat ni Jamille Fumah, ang Wattpad title ay iikot sa buhay ni Sussie, limang taon pagkatapos na durugin ang kanyang puso ng masamang boy billionaire na si Arkanghel Wolfgang, ayon sa Variety.

“When he reappears in her life it is not clear that their differences can be bridged.”

Si Kaori ay gaganap bilang Sussie, si Kyle ay gaganap bilang Arkanghel, habang si Joao naman ay gaganap sa karakter ni Hugo.

 Si Fumah, na kilala bilang @JFStories sa Wattpad, ay mayroong 1.5 milyong tagasunod sa platform at higit sa 30 kwentong nai-publish at higit sa 336 milyong kabuuang nabasa.

 Ang “Kiss Master” ay ang unang co-production ng Kumu at Wattpad.

"Our expanded partnership with Wattpad is the next project in a series of fan-influenced adaptations,” wika ng Kumu co-founder and chief of content na si Angelo Mendez sa Variety.

“We’re excited to work with the Wattpad team this year to innovate the future of storytelling through this web series, nurture the community of aspiring writers, and give the fans the best, heart-warming experience possible.”


Samantala, pinuri naman ni Dexter Ong ng Wattpad International ang mga Pilipinong may-akda bilang “ilan sa pinakamatagumpay at maimpluwensya” sa platform.