- Naglabas ng kaniyang saloobin si Angel Locsin sa Instagram account
- Kaugnay ito sa pagpasok ng partial and unofficial votes result ng Halalan ngayong taon
- Nagpasalamat ito sa Leni Supporters at nanindigang piliin pa rin ang bansa
Sa pagtatapos ng Halalan ay nagbahagi ng mensahe si Angel Locsin sa lahat ng kapwa niya VP Leni Robredo supporters.
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi nito ang kaniyang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng tumindig kahit na malaking hamon ang kanilang kinaharap.
Nakiusap din ito na sa kabila ng tila malaking agwat ng boto sa pagitan ng nangungunang si Bongbong Marcos kay VP Leni Robredo ay piliin pa ring mahalin ang bansa.
"To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end. Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…na walang pagaalinlangan.
"Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa. Kahit imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan. Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas. Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa. Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo
"Salamat Mam Leni sa inspirasyon"