- Viral sa social media ang video clips at ilang litrato ng aksidenteng pagpapakita ni Pia ng laman ng envelope sa Miss Universe Philippines 2022
- Ang nasa loob naman ng envelope ay si Miss Pasay na nakasungkit ng titulong Miss Photogenic sa coronation night ng Miss Universe
- 'Cultural reset' naman kung ituring ang pagsusuot ng suit ni Beatrice Luigi Gomez sa kanyang final walk na umariba ng komento mula sa netizens
Kabi-kabilang paandar ang naganap mula sa mga kandidata ng katatapos lang na Miss Universe Philippines 2022 coronation night kasama na rin ang mga fans ng mga naggagandahang mga beauty queens.
Mula sa mga nagpapagandahang gowns at nagpapatalinuhan sa Question and Answer portion, hati ang mga komento ng netizens sa kanilang sinusuportahang kandidata.
Ngunit hindi rin nagpahuli sina Beatrice Luigi Gomez at Pia Wurtzbach sa nasabing pageant. Una nang nag-viral ang Miss Universe 2021 dahil sa ginawang "cultural reset" umano nito sa pagsusuot ng suit bilang kanyang attire sa kanyang final walk sa kabila ng ilang mga kandidatang nagpapa-bonggahan sa kanilang mga gowns.
Si Ms. Beatrice Luigi din ang itinuturing bilang kauna-unahang Filipina bisexual representative na lumaban sa isang international pageant.
Viral din si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa aksidente nitong pagpapakita ng laman ng envelope noong ia-announce na ang mananalo sa titulong "Ms. Photogenic" na nasungkit naman ng walang iba kundi si Ms. Pasay.
Samantala, nagwagi bilang opisyal na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 si Ms. Celeste Cortesi o Ms. Pasay.
Ang korona ng Miss Universe Philippines 2022 ni Celeste Cortesi ay ang kanyang pangalawang international crown pagkatapos sumabak sa Miss Philippines Earth noong 2018.