- Papalitan na ni KC Concepcion si Toni Gonzaga sa isang New York film
- May titulo itong Asian Persuasion
- Makakasama ni KC ang ilang kilalang Filipino-American actors and actresses
Kabilang na sa cast ng romantic comedy film na “Asian Persuasion,” na naka-set sa New York, bilang kapalit ng dating inanunsyo na aktres na si Toni Gonzaga sa lead role.
Ayon sa eksklusibong ulat ng Variety kahapon, Abril 12, magiging katambal ni KC sa pelikula ang Filipino-American Hollywood actor na si Dante Basco. Kasama rin sa lead cast sina Kevin Kreider, Paolo Montalban, Scarlett Sher, Celia Au, Geneva Carr at Jax Bacani.
Samantala, sina Yam Concepcion, Rachel Alejandro at Tony Labrusca ay kabilang sa mga tampok na aktor sa pelikula, kasama sina Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas, Janice Sonia Lee, Ami Sheth, Fe Delos Reyes, Joyce Keokham, Rex Navarrete, Imani Hanson at Devin Ilaw.
Inanunsyo si Toni Gonzaga na magiging bahagi siya ng pelikula noong Hulyo noong nakaraang taon, ngunit iniwan niya ang produksyon dahil sa "schedule conflicts.
Nagpahayag ng pananabik si KC Concepcion sa proyekto, na tinawag niyang “new journey,” sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong araw, April 13.
Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast [and] crew,” aniya.
Ang “Asian Persuasion” ay iikot sa kuwento ng isang chef na gumawa ng isang pakana upang makapagpangasawa muli ang kanyang dating asawa upang maiwasan niyang bayaran ang kanyang mga obligasyon sa sustento, ngunit huli niyang napagtanto na gusto niyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon sa kanyang dating asawa.
Ang pelikula ay idinirehe ng Tony Award-winning producer na si Jhett Tolentino. Ito ay isinulat ni Mike Ang, na nagsisilbi rin bilang producer kasama si Tolentino.
Nagsimula na ang pagshoot para sa pelikula kahapon sa New York.