- 'Naloka' si Ogie Diaz sa kuha ng video sa nangyari sa 'Quezonduan' Leni-Kiko rally kahapon, April 28
- Umabot kasi sa 80k ang mga umattend sa nasabing rally at mahigit 962k naman ang live viewers sa Facebook page ni VP Leni
- May patama naman ito sa mga taong gagawa ng dahilan upang bawasan ang crowd estimate sa Quezon rally
Tila nagulat ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa mga Kakampinks kahapon na umattend sa bonggang campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Quezon. Kaya naman napa-post ito agad sa kanyang Facebook upang magpakita ng reaksiyon.
May nakakatuwa ring 'word play' para sa titulo ng Quezon rally na naging "Quezonduan" na kuha mula sa 'kasunduan'. Ganito rin ang ginawa ng kampo ng Leni-Kiko para sa nagdaan nilang campaign rally na "PasigLaban" at "Ceboom". Ilang netizens na rin ang nakapansin at pinuri ang mga tao na nakaisip sa likod ng mga pangalang ito.
Sa nasabing Facebook post din ni Ogie, nabanggit din niya na ang mga attendees sa rally ay umabot na sa 80k. Napa-"grabe!" nga din ito sa dami ng taong makikita sa naka-attach na video sa post.
Samantala, maghihintay umano siya na bawasan ng mga "'di matanggap" ang crowd estimate na 80 thousand ng rally base na rin sa ilang mga BBM supporters na gumagawa ng paraan upang i-'discredit' ang crowd estimate sa tuwing nakakakuha ng malaking rally ang kampo ni VP Leni at Sen. Kiko.
"Grabe yung mga tao! Umabot ng 80k!
Wait na lang natin kung paano babawasan ng mga ayaw pumayag sa crowd estimate.
#QuezonIsPink #QueLeniTayo Nagkaroon na ng #Quezonduan," maikling caption niya.