- Nag-viral sa social media ang balitang humihiling na magsampa ng annulment si Jamie Evangelista kay Baron Geisler
- Kasunod nito, umingay rin sa internet ang pagkakaroon ni Baron ng degree sa Theology kung saan inamin niya na hindi niya masyadong pinaghirapan ito ngunit tinanggap niya ito bilang 'blessing'
- Nakiusap naman si Baron sa Vivamax na sana'y magproduce ito ng pelikulang may 'good family values' at hindi lang puro 'soft p**n'
Patuloy pa ring umaasa ang aktor na si Baron Geisler na magiging maayos pa ang samahan nila ng asawang si Jamie Evangelista.
Nauna rito, nabalita na sa mga online platforms at news articles na bumalik na muli ang aktor sa dati nitong bisyo na labis na pag-inom ng mga alak na inirereklamo na rin ng kanyang asawa.
Pagkatapos nitong maka-recover sa dati nitong bisyo, bumalik sa pag-arte si Baron sa ilang mga Viva movies tulad ng 'Tililing', at 'Barumbadings' na umingay dahil sa mga kontrobersyal nitong mga kwento.
Sa isang panayam kay Baron, inamin nitong sinunod nila ni Jamie ang payo ng kanilang 'sponsor' na magpahinga muna at sundin muli ang tinatawag na '12-step program'.
“Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our ’12-step program,'” aniya.
“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,” saad pa nito.
Sa kanyang Facebook post naman ay inamin niyang gusto mag-file ng annulment ni Jamie. Nakalahad din dito ang kanyang mensahe sa kanyang mga taga-suporta sa pagkuha niya ng degree kamakailan.
“Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing.
“I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future,” sabi nito.
May panawagan naman ito sa Vivamax, “Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft p**n content for the reason that s*x sells.
“Invest on acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man.
“I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!” pahayag niya.