- Viral ang pahayag ni Vice Presidential candidate Sara Duterte patungkol sa debate
- Inihayag nito na hindi umano siya a attend sa anumang debate para sa ngayong halalan
- Inungkat naman ngayon ng netizens ang naging pahayag niya noong 2019
Viral ngayon ang naging pahayag ni Vice Presidential candidate Sara Duterte patungkol sa hindi niya pag attend sa anumang debate ng Comelec para sa paparating na halalan.
Ani nito na iiiwan na niya ang desisyon sa taumbayan sa pagpili ng susunod na vice president kaya naman hindi na ito lalahok pa sa anumang debate.
"I already decided that I will do this campaign without joining debates. Iniiwan ko na po 'yan sa ating mga kababayan, ang pagdedisisyon sa pagpili nila sa vice president na ganito po 'yung aking direksyon sa kampanya," ang paliwanag ni Sara.
Halos kapareho rin ito ng hindi pag attend ng kaniyang running mate na si Bongbong Marvos na hindi rin uma attend sa ilang debate, sa kaslukuyan pa nga'y wala pa itong kumpirmasyon kung a attend o hindi sa isasagawang presidential debate ng comelec.
Matatandaang noong taong 2019 ay matapang na inihayag ni Sara Duterte na duwag ang kampo ng Otso Diretso matapos na tumanggi ang mga ito sa isang debate dahil na rin sa hindi naman senatorial candidate si Sara Duterte para makipag debate pa.
Ani ni Sara noong 2019: “Ang tawag ani, talaw” (Ang tawag diyan, kaduwagan).”