- Isang ginang sa bansang Tunisia ang nakitaan ng isang shot glass sa kanyang pantog o bladder.
- Inakalang simpleng UTI, tiniis ng ginang ang pagkakaroon ng baso sa kanyang pantog sa loob ng apat na taon.
- Kinailangan n'ya na maoperahan upang matanggal ang shot glass na tinubuan na rin ng bladder stone.
Isang 45-anyos na ginang sa Tunisia, isang bansa sa Africa ang nagpatingin sa isang ospital sa inaakalang simpleng urinary tract infection ang iniinda nito.
Ngunit noong ipinasuri ang kanyang tiyan sa scanner, nadiskubre ng mga doktor na may imahe ng isang "shot glass" o maliit na baso na kalimitang ginagamit kapag nag-iinuman, sa loob ng kanyang pantog o bladder.
Apat na taon nang tiniis ng ginang na may nakapaloob na baso sa kanyang pantog. Inamin naman nito na minsan na n'yang ginamit ang baso para sa "sexual purposes", kaya raw nahihiya s'yang ipagamot iyon at ipatanggal agad.
Dahil na rin sa tagal nang nasa loob ng pantog ang baso, tinubuan na rin ito ng bladder stone na may laki na tatlong pulgada (3 inches).
Kaya naman kinailangan nang tanggalin ang baso sa pamamagitan ng isang operasyon. Nagtagumpay naman ang nasabing operasyon at buong nakuha ang baso pati ang bladder stone.
Matapos ang dalawang araw, nakalabas na nang ligtas ang nasabing ginang.
INFO: New York Post / Frontline Pilipinas (TV5)