Ana, nahirapang makasagot sa mga tanong sa presscon dahil sa pagluha; Inaming kinasal siya noong 2017!

Ana, nahirapang makasagot sa mga tanong sa presscon dahil sa pagluha; Inaming kinasal siya noong 2017!

Ana, nahirapang makasagot sa mga tanong sa presscon dahil sa pagluha; Inaming kinasal siya noong 2017!
- Pumatak ang mga luha ni Ana Jalandoni sa presscon nito kanina habang humaharap sa media

- Tila hindi makapagsalita nang maayos ang aktres habang sinasagot isa-isa ang mga katanungan sa kanila ng aktor

- Inamin rin niyang ikinasal siya noong 2017 ngunit nagtapos agad pagkatapos ng isang taon

Iyak nang iyak ang aktres na si Ana Jalandoni nang humarap ito sa presscon upang tuldukan na ang mga tanong at naglalabasang chismis patungkol sa kanila ni Kit Thompson.

Dahil sa pag-agos ng luha, nahihirapan sagutin ni Ana ang mga tanong sa tunay na nangyari sa kanila ng aktor noong nasa hotel sila sa Tagaytay City.

Ramdam pa rin ni Ana ang kaba at traumang naranasan niya sa palad ng aktor. Kasama ni Ana sa presscon ang kanyang amang si Lawrence at kapatid na si Marie.

Kabilang ring dumalo ang legal counsel ni Ana at kinumpirma ng abogado nito na ang isasampang kaso kay Kit ay ang paglabag sa “Section 5 (a) of the Republic Act 9262 or the Anti-Violence against Women and Children Act”.

“Hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Kailangang ipaglaban ko ang sarili ko,“ sabi naman ng aktres.

Walang third party ang kabilang sa isyung ito bilang pagtutuldok ni Ana sa mga kinakalat na fake news sa social media. 

Hindi rin daw ito ang unang beses na nanakit ang dating nobyo. Pinatawad daw niya ito noong una ngunit buo na ang loob ngayong magsampa ng kaso lalo na't nalalagay na sa panganib ang kanyang buhay. 

Taong 2017 umano siya kinasal sa Amerika ngunit nagtapos agad ito noong 2018. Mahal pa raw ni Ana si Kit ngunit ibang usapan na ang pagsampa ng kaso laban sa nambugbog na aktor.