- Usap-usapan ngayon ang bagong offer umano nina Manny Villar sa pamilya Lopez upang maibalik na sa ere ang ABS-CBN
- Sabi rin ng ilan ay makakasama raw ni Villar sina Willie Revillame at inalok rin daw ang ilang Kapamilya writers upang sumama sa 'Villar TV'
- Sinabi pa ng source na sasalang daw umano sa isang test program ang bagong game show ni Willie sa Pebrero 14
Mula sa ulat ng isang online news na 'Bilyonaryo', nakausap ng mga kampo ni dating Senate President Manny Villar ang pamilya Lopez kung interesado ba ito sa isang deal upang maipalabas ang mga Kapamilya programs sa Channel 2 (analog), at Channel 16 (digital).
Ayon pa sa source ay kasama sina Willie Revillame na sumama sa nangungunang bilyonaryo sa bansa at inalok rin si Freddie Garcia na dating ABS-CBN president at COO. Nakatakda raw sumabak sa isang test broadcast ang bagong programang game show ni Willie sa Pebrero 14.
Gusto rin daw ni Villar kuhanin ang ilan pang mga talents at producer ng Kapamilya Network gayundin din ang star maker na si Johnny Manahan upang sumigla ang bagong channel ni Manny Villar.
Marami ring makapangyarihan sa bansa ang nagnais na kuhanin ang prangkisa ng ABS-CBN ngunit ibinigay ito kay Manny Villar na kilala bilang isang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukas rin ang ABS-CBN sa mga partnerships dahil nang mawalan prangkisa ang Kapamilya noong 2020, nakagawa ito ng paraan upang maipalabas ang mga programa nito sa A2Z at TV5. Kasama rin sa mga partnerships ang VIU, Netflix, WeTV iFlix, at YouTube.