- Usap usapan ngayon ang biglaang pag alis ni Toni Gonzaga sa programang Pinoy Big Brother
- Naging laman din siya ng balita dahil sa pag endorso niya sa Marcos Team para sa darating na eleksyon
- Tinatayang P120M ang di-umano'y matatanggap ni Toni Gonzaga sa pag endorso nya sa naturang team
Laman nga ng Social media world ang biglaang pagre resign ni Toni Gonzaga sa kaniyang ABS-CBN Program na Pinoy Big Brother.
Ito ay matapos na maging host siya para sa unang araw ng kampanya ng team ni Marcos Jr. na siyang tumatakbo para sa paparating na eleksyon.
Matagal ng kilala bilang Marcos Supporters ang buong pamilya nina Toni Gonzaga kaya naman hindi na kataka taka ang pagho host niyang ito sa nasabing event ng team Marcos Jr.
Ayon pa sa mga bulong-bulungan at sa ibinalita na rin ng Inquirer ay tumataginting na P120M ang matatanggap na talent fee ni Toni Gonzaga kapalit ng page endorso niya sa Marcos team.
Sa amin pang nakalap na impormasyon ay naka saad sa kontrata nila bilang mga TV Host ang pagbabawal na mag endorsed o tumanggap ng talent fee mula sa mga tumatakbong pulutiko sa paparating na halalan.
Isang mabigat na dahilan din ang naturang rules kaya naman minabuti na ni Toni Gonzaga na mag resign sa PBB at tanggapin ang nakakalulang offer ng Marcos Jr. team.