- Ipinagtanggol si Luis ang kanyang asawa hinggil sa mga taong kinukuwestiyon ang pagpapa-sexy ni Jessy Mendiola
- Tila pinipilit kasi ng ilan na huwag na raw mag-work out si Jessy at magkaroon na raw sila ng anak
- Bukas naman daw ang mag-asawa sa mga advice ng netizens ngunit masyadong malalim na ang sinasabi nito sa asawa ni Luis
May sagot ang Kapamilya host at actor na si Luis Manzano sa mga nagpupumilit na magkaroon na sila ng anak ng partner nitong si Jessy Mendiola.
Para kay Luis, wala silang isyu pagdating sa mga katanungang kailan sila magkaka-baby hindi katulad sa ilang mga artistang nasasaktan patungkol dito.
Sa katunayan, marami na ring nagtatanong sa kanya ng mga ganito at paulit-ulit rin niyang sinasagot na dadating rin ang tamang punto kung saan magkakaroon na sila ni Jessy Mendiola ng isang anak.
Ipinagtanggol pa ng aktor ang kanyang asawa sa mga netizens na nagkokomento kay Jessy na itigil na raw niya ang pagwo-work out at pag-e-exercise dahil hindi siya mabubuntis kung ipagpapatuloy niya ito.
Pagpapaliwanag ni Luis sa isang panayam, “You know, please correct me if I’m wrong, you know, if there are other ladies inside the room… parang, it may be a bit different, you know, for ladies. Baka lang iba yung pressure na ibigay sa kanila.”
“Pero siguro yung kay Jessy, yung pinost niya on Instagram or social media, para sa akin, it wasn’t simply people asking kung kailan kami magbi-baby.”
“Kasi people were bombarding her na parang sinasabi na du’n siya na-stress, na parang may nagku-comment na, ‘Bakit ka nagwu-workout? Di ba kayo nagta-try mag-baby? Bakit ka nagpapa-abs?” pagsa-sagot pa ng host.
Open na open daw ang mag-asawa sa mga komento ng netizens ngunit hindi na raw tama ang mga negatibong pahayag ng tao patungkol kay Jessy.
“Kumbaga, ang daming input na binibigay na, kumbaga, not necessarily true or applicable. Pero siguro yung tanong lang, you know, there are questions kasi na alam mong may nag-iintriga talaga.”
“Na alam mong may mga questions na nang-aasar talaga, and there are questions na gusto lang talaga malaman ng mga tao dahil natutuwa sila para sa ‘yo.”
“So siguro, dun lang bumagsak na ibang categories na yun, na it wasn’t simply a question because natutuwa sila para sa ‘yo,” dugtong pa ni Luis.