Jake Ejercito, nagbigay detalye sa magiging papel niya hit seryeng 'The Broken Marriage Vow'

Jake Ejercito, nagbigay detalye sa magiging papel niya hit seryeng 'The Broken Marriage Vow'

Jake Ejercito, nagbigay detalye sa magiging papel niya hit seryeng 'The Broken Marriage Vow'
- Ibinahagi ni Jake Ejercito kung anong gulo ang dala niya sa teleseryeng Broken Marriage Vow 

- Sinabi rin niya ang pangalan ng kanyang karakter na dapat abangan sa serye 

- Aminado naman si Jake na talagang kinakabahan siya dahil mga magagaling na artista ang kanyang kasama

Ibinida ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito ang gagampanan niyang karakter sa Filipino adaptation ng Doctor Foster na mapapanood gabi-gabi sa Cable at Free TV.

Magiging kaabang-abang nga raw ang pagpasok niya sa 'The Broken Marriage Vow' dahil ibang-iba ito sa karakter niya sa 'Marry Me, Marry You'. Siya pa nga rin daw ang dahilan kung bakit mas gugulo pa ang pamilyang Ilustre. 

Lihim pa raw ang ibang detalye ng papel niya sa serye ngunit ibinuking na niya ang magiging pangalan niya rito. “Gabby” raw ang magiging pangalan niya at papasok siya bago mag-“huling tatlong linggo” ang kwento. 

“Feeling ko mas gugulo ‘yung kwento. Mas gugulo ‘yung buhay ng mga Ilustre dahil sa character ko,” ayon kay Jake sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News. 

Talaga naman daw na kailangan niyang i-level up ang galing niya sa pag-arte lalo na't makakasama niya sina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa taping. 

“It’s a very different show compared to ‘Marry Me, Marry You.’ Obviously the stakes here are higher, it’s more gripping… First few taping days kinakabahan ako kasi syempre si ate Jodi and kuya Z ang gagaling, pati si Zaijian. Talagang you’re forced to bring your A game and it’s a big show,” pagbabahagi ng aktor. 

“It’s a different experience kasi one, out of town kami. Nasa Baguio kami unlike ‘Marry Me, Marry You’ na malapit lang kami dito. It’s also different kasi I came in in the middle of the cycle na eh. They were already in Baguio for a month and I only entered for the last three or so weeks,” dagdag niya pa.