Ina ng Maguad siblings, kinuwestiyon ang sinabi ng suspek na: "Di ba hindi naman ako makukulong.."

Ina ng Maguad siblings, kinuwestiyon ang sinabi ng suspek na: "Di ba hindi naman ako makukulong.."

Ina ng Maguad siblings, kinuwestiyon ang sinabi ng suspek na: "Di ba hindi naman ako makukulong.."
- Emosyonal na nagbahagi ang ina ng pinaslang na “Maguad Siblings” sa sinabi ng suspek sa likod ng pagpatay sa kanyang mga anak

- Inamin nitong alam niya na hindi makukulong ang mga suspek dahil ang isa rito ay hindi pa pasok sa mga edad na maaaring ikulong

- Kinuwestiyon pa niya ang batas na nagsasabing hindi basta-basta makukulong ang mga 18 taon gulang pababa kahit na nakagawa pa ito ng malaking kasalanan

Matatandaang umingay noon sa internet ang pagpaslang sa Maguad siblings ng isang adopted girl kung saan inamin na mismo ng suspek na sila ang gumawa sa pagpatay sa mga biktima. Ang isang suspek naman daw ay isa palang sakristan na hawak ngayon ng kustodiya ng awtoridad.
Nanawagan rin si Lovella Maguad, ina ng mga biktima, na sana raw ay huwag maliitin ang kakayan ng mga batang mayroong edad 18 pababa na makagawa ng krimen lalo na sa mga kapwa kabataan nila.
  
Sa Pangilinan Law, ang edad 15-18 ay maaari nang managot sa batas. Ngunit mas magaan naman ang parusa sa mga ito kung ikukumpara sa mga parusa sa mga may edad. May mga tao naman na gustong ibaba sa 9 taon gulang ang maaaring makulong dahil napakabilis umanong dumami ang mga menor-de-edad na sangkot sa krimen.

Sa Facebook naman ni Lovella Orbe Maguad, muli itong naglabas ng saloobin hinggil sa mga pumatay sa kanyang minamahal na mga anak. Panimula niya, “62nd day of living a desolate life ... just so much pain to bear... not even time can heal. Letting go of equally valuable and precious children as life is the most difficult test ever ... I wanted to question the law that inspire these two perpetrators to succeed in their evil plans.”

Dagdag pa niya, tinanong raw ng suspek kung anong gagawin sa kanya ng mga pulis dahil hindi pa ito maaaring ikulong. “One perpetrator asked the police few days after she murdered my kids .."di ba hindi ako makulong kasi 16 pa lang ako? Saan nyo ko dalhin?" It showed that she was well oriented with the law - she (they) knew how to play with the law but never her/their responsibility after enjoying her/their right. ( Our law makers are schooled in the most prestigious university here and abroad but why should we allow these children play with the law ?)”

“Sino po ba dapat ang maka avail ng Children Protection ? Sino po ba dapat protektahan ng batas? Di ba yung abused , neglected and exploited children? Sino ba ang na abused dito? Pumasok sila sa bahay namin natutulog si Boboy sinaksak na lng nila. Pinagpapalo , tinorture ...... ni hindi kilala ng anak ko ang Isang perpetrator.” Pagku-kuwestiyon ng ginang.

“Bastos at walang respeto na nilalang yan pa ang protektahan ng social welfare? Sana sa karumal dumal na akala mo hindi tao ang gumawa sa mga anak ko sana kinuha na sa kanila ang rights and privileges nila. Yes, Child in conflict with the Law - dapat I define ng maayos kung ano lng ba na crime ang pwedeng mabigyan or my chance to reform at makaya pa na I rehab.”

Aniya, sa tingin raw niya ay hindi na mabubuhay pa nang normal ang mga suspek dahil sa ginawa nila. Humingi rin ito ng proteksiyon sa social welfare gaya ng ginagawa nila sa mga suspek sa pagpatay.

“Sa ginawa nila I don't believe mabuhay pa yan sila ng normal ...unless they were born evil. Now am asking the social welfare for equal protection for my daughter and son the same as you are giving to the perpetrators. I'd like to ask you what are my rights over to one of the perpetrators as foster parent.”

“Now kung ganito na lng natin I treat ang mga krimen ng mga below 18 ...we are then making Philippines as breeding place of criminals.” Pagbuhos pa ng kanyang emosyon.