Angel Locsin nagbigay paalala sa lahat para sa darating na eleksyon, "Huwag sa Sinungaling at Tamad"

Angel Locsin nagbigay paalala sa lahat para sa darating na eleksyon, "Huwag sa Sinungaling at Tamad"

Angel Locsin nagbigay paalala sa lahat para sa darating na eleksyon, "Huwag sa Sinungaling at Tamad"
- Nagtungo si Angel Locsin sa kanyang social media upang magbahagi ng kanyang komento ukol sa halalan ngayong taon

- Nag-post si Angel ng isang litratong may “never again” phrase na nakasulat sa pulang cursive font

- Pinaalalahanan naman niyang kumilatis ng lider at naglahad pa ng mga pulitikong hindi dapat iboto

Muli na namang nagbigay ang isa sa pinaka-tinitingalang artista na si Angel Locsin ng isang komento patungkol sa Halalan ngayong taon.

Maliban sa pagiging magaling na artista, isa rin si Angel sa mga stars na “vocal” hinggil sa gobyerno. Kilala rin siya sa pagtulong sa kapwa katulad nalang tuwing may mga natural disasters na kinakaharap ang bansa. Isa rin siya sa advocate ng women's rights kaya naman talagang may karapatan siyang pumili ng matibay, mahusay, at maayos na gobyerno.

Kahit na punong-puno ng kabutihan ang real-life angel na si Angel, hindi pa rin ito tinitigilan ng mga trolls at bashers sa kadahilanang ayaw ng mga ito sa magandang pagbabago na isa sa hinahangad ng mga gising na sa katotohanan. 

Nagpost naman ang Kapamilya star ukol sa mangyayaring halalan ngayong 2022. Pinayuhan niya ang publiko na kilatisin ang isang lider lalo na ngayong mapangahas na ang mga kampanya ng iba't-ibang partido ng pulitiko. 

Sa isang litratong may nakasulat na 'never again', makikita ang "Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko," bilang kanyang caption.

Dinagdagan pa niya ang kanyang pagpapayo ng ilang katangian ng isang pulitiko na hindi karapat-dapat sa boto ng mga tao. 

"Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa. Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag isipan rin kung sino ang susuportahan," dagdag niya.