- Si Coco Martin naman ang kinomentohan ni Lolit Solis sa bagong post nito sa Instagram
- Sa viral post, makikita rito ang pagpapasalamat si Lolit kay Coco sa papagbigay ng trabaho sa mga aktor
- Ayon dito, ang 'Ang Probinsyano' raw ang naging tahanan ng mga artistang nagkaroon ng pagkakataong makapag-trabaho muli
Ikinatuwa ng netizens ang pagpansin ni Lolit Solis sa mga nagawa ni Coco Martin kabilang na ang mga natulungan nitong nga artista sa kanyang teleserye.
Kilala kasi Lolit sa pagbibigay nito ng mga komento sa mga kontrobersyal na mga isyu kaya't nakakakuha ito ng ilang mga negatibong reaksyon online.
Nito lang ay nagpost muli sa Instagram ang beteranong columnist na si Lolit Solis bilang pagbigay pansin sa Kapamilya star na si Coco.
Nagpasalamat kasi ito kay Coco Martin dahil maraming natutulungan ang kanyang seryeng 'Ang Probinsyano' dahil nagkakaroon pa ng pagkakataong makapag-trabaho muli ang mga artista.
Panimulang sulat ni Lolit sa kanyang Instagram caption, siguro daw ay malaki ang utang na loob ng mga artistang nakakasama sa naturang serye ni Coco dahil nagkaroon pa daw ito ng pagkakataon lumabas sa 'Probinsyano'.
“Siguro ang laki ng utang na loob ng mga stars na nasasali sa Probinsyano, Salve. Ito na yata ang serye na talagang halos lahat ng mga senior stars, mga nawawalang bituin, mga baguhan binigyan ng chance ni Coco Martin na makalabas. In fairness, ang galing ng ginagawa ni Coco Martin na pati mga matagal ng hindi napapanuod binibigyan niya ng pagkakataon makalabas sa Probinsiyano.”
Ayon pa kay Lolit, tila anghel daw si Coco para sa marami niyang kasamahan sa showbiz.
“In some way ito ang tulong niya sa mga kasamahan sa showbiz, kaya naman ganuon kalaki ang pasasalamat sa kanya ng mga nabigyan ng chance. Kaya para sa marami niyang kasamahan sa showbiz, parang anghel ang tingin kay Coco Martin.”
Sinaluduhan naman ni Lolit si Coco dahil ito daw ang way ng Kapamilya star na makapagbigay tulong ngayong mahirap makahanap ng trabaho.
“Sa hirap ng trabaho ngayon, heto ang way niya sa pagtulong sa mga less fortunate na kasamahan, ang bigyan ng trabaho. Bongga ka Coco Martin. Salamat sa pagbibigay mo ng trabaho sa mga stars, lalo na duon sa mga seniors. A big round of applause to you. Salute”